Matandang customer na hindi kayang kumain at maglakad tinulungan ng isang Jollibee crew sa Qatar

Isang crew ng Jollibee sa Qatar ang pinuri ng maraming mga netizen dahil sa dedikasyon nito sa kaniyang trabaho at sa pagbibigay niya ng malasakit sa mga customer. Ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Marie Grace de Jose ang kaniyang nasaksihan habang kumakain siya sa popular na fastfood chain. Ayon sa kaniya nasaksihan niya kung paano tulungan ng nasabing crew ang isang senior citizen na hirap na hirap kumain. Sa ibinahagi niyang larawan ay makikitang sinusubuan niya ang matanda upang makakain ito.

Hindi pa doon natatapos ang kaniyang pagmamalasakit dahil sa inalalayan pa niya ang matanda sa paglalakad hanggang sa makalabas ito at makakuha ng masasakyan. Dagdag pa ni Marie Grace na sa mga panahon na ito talaga namang nakaka-proud lalo maging isang Pilipino. Ayon din sa kaniya nakakamangha na hanggang sa ibayong dagat ay makakakita siya ng mga kababayang nagbabahagi ng kabaitan at pagmamahal sa kanilang kapwa tao.


Ilan pa ngang mga netizen ang nagkomento patungkol sa nasabing post na talaga namang dapat ang mga ganitong klase ng tao ang hinahangaan at ipinagmamalaki ng marami sa atin. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“The best sa lahat ang ginawa mong pagtulong kuya. Dapat kang tularan ng lahat ng crew kagaya mo. Keep it up. God bless you more.” Komento ng netizen na si A. Cawili.

“Sa mukha mo pa lang nakikita n talagang mabuti kang tao. Masuwerte mga magulang mo sa iyo at mabubuting tao rin magulang mo. Maganda ang pagpapalaki sa iyo.” Pahayag naman ni Y. Cbt.

“Pus0ng Pinoy kahit saan maawain.” Ayon kay B. Diagdal.

“Marami pa rin magagandang loob kagaya niya sa Jollibee. God bless sa mabuting loob na staff ng Jollibee.” Pahayag naman ni M. Apaya. Talaga namang nakakamangha na mayroon pa ring mga taong nagnanais tumulong sa kanilang kapwa tao kahit pa nga ito ay hindi na nila tungkulin pa o hindi na nila dapat pang gawin. Sila ang mga nagsisilbing inspirasyon sa maraming mga Pilipino na gumawa ng mabuti hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong-dagat.



error: Content is protected !!