Ion Perez ipinahayag na ang kaniyang pagmamahal para kay Vice Ganda ay hindi maaaring maging mali!



Tunay nga na “love is in the air” lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan. Kung ang simoy ng hangin ngayon ay talaga namang malamig na, tila mainit at nakakakilig naman ang namumuong pag-iibigan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda at ni Ion Perez.



Kamakailan nga lamang ay pinakilig na naman nila ang publiko dahil sa napakasweet na mensaheng ibinahagi ni Ion para kay Vice na tinawag din niyang “reyna ko”. Sa naging Instagram post nito noong nakaraangn Biyernes, Oktubre 4 ay gumamit ng hashtag na “#reynako” si Ion bilang paglalarawan sa komedyante. Narito naman ang naging sweet na caption niya sa solong larawan ni Vice at sa throwback photos nilang dalawa nang magtungo sila sa Estados, Unidos noong Mayo.


“Lahat ng tama may rason para maging mali pero ang pag mamahal ko sayo walang rason para maging mali.” Pahayag ni Ion. Marami din naman sa kanilang mga malalapit na kaibigan at katrabaho ang nagkomento at nagpahayag ng kani-kanilang saloobin patungkol sa espesyal na pagtitinginan ng dalawa. Ilan sa mga ito ay sina Ryan Bang at Hashtags member Zeus Collins.


Sa ngayon ay wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa dalawa patungkol sa estado ng kanilang relasyon ngunit masayang masayang naman sila sa kung ano ang mayroon sila ngayon. Maging ang kanilang mga mahal sa buhay ay maligayang maligaya dahil nagiging inspirasyon nila ang isa’t-isa hindi lamang sa kanilang trabaho kundi sa pagkakaroon nila ng positibong pananaw sa maraming mga bagay sa buhay.
Matatandaang Marso ng 2019 nang maging bukas sa publiko ang tunay na saloobin ni Ion patungkol kay Vice.


Maging si Vice ay hindi rin maitatago ang kasiyahan ng kaniyang puso kahit pa nga maraming mga nanghuhusga at tila humahadlang sa kanilang kasiyahan ay patuloy pa rin silang nagiging masaya at kuntento sa isa’t-isa na talaga namang “deserve” din nila.






error: Content is protected !!