Presidente Rodrigo Duterte nakatanggap ng “honorary doctorate” mula sa Moscow Institute



Si Presidente Rodrigo Roa Duterte ay nakatanggap ng “honorary doctorate” mula sa isa “Russia’s top schools for diplomats”. Ang “Moscow State Institute of International Relations” ay ibinigay sa Pangulo ang “honorary doctorate” sa limang araw niyang pagbisita sa Russia. Ang pagpaparangal ay iginagawad bilang pagkilala sa karanasan ng isang tao sa kaniyang buhay. Ang “abbreviation” na “honoris causa” o “h.c.” ay nangangahulugan din namang “for the sake of honor”.



Si Foreign Secretary Teddy Locsin ay nagbahagi sa social media ng maging maiksi ngunit malamang talumpati ng Pangulo at ito ang ilang bahagi ng kaniyang sinabi:
“I have never accepted an honorary doctorate. I have never done anything for accolades. From my father I learned that public service is the greatest honor and its own reward.” Pahayag ng ating Pangulo.


Ayon kay Locsin, ang Pangulo ay talaga namang nakapagpahayag ng mayroong “quiet grace” at nakapagtapos pa sa salitang Russia. Dagdag pa niya ay nasambit ito ng maayos ng Pangulo at higit sa lahat ay na-internalize at na-externalize niya ito. Ang nasabinh doctorate ay ibibigay sana noong naunang pagbisita niya sa Russia taong 2017. Ngunit hindi na ito naabutan pa ng Presidente dahil sa naganap sa Marawi City noon.


Ito ang kauna-unahang “doctorate” na tinanggap ng Pangulo mula nang siya ay naging Presidente. Noong 2017 ay nagbigay din ang Unibersidad ng Pilipinas ng “Doctor of Laws” degree sa Pangulo na “honoris causa” ngunit tinanggahin niya ito. Nang mga panahon na iyon ay sinabi ng Pangulo na hindi niya gustong makatanggap ng mga ganoong uri ng karangalan. Narito ang kaniyang naging pahayag:
“With due respect sa University of the Philippines, I do not accept – even when I was mayor. Hindi ako tumatanggap.”


Si Presidente Rodrigo Roa Duterte o mas kilala ng publiko bilang si Presidente Digong o Rody ay 74 taong gulang na pulitiko at ika-16 at kasalukuyang Presidente ng Pilipinas.






error: Content is protected !!