Kabit, nagsumbong at humangi ng tulong kay Raffy Tulfo dahil sa misis ng kaniyang karelasyon!



Sabi ng mga nakakatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na bagong saing na kapag iyong isinubo nang mainit ay agad agad mong mailuluwa. Ang pag-aasawa at pagpapakasal ay hindi kasing simple at hindi kasing dali ng inaakala natin.



Marami kasi tayong dapat tandaan lalo na patungkol sa pagsasama ng mag-asawa at pagbuo nila ng sarili nilang pamilya. Hindi maiiwasan ang pagsasakripisyo at pagtitiis lalo na ng mag-asawa para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Madalas ang nagiging dahilan ng pagkakasira ng isang pamilya ay ang kawalan ng respeto at pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa. Dahil na rin sa mga ito ay maaaring makahanap sila ng ibang taong magpapasaya sa kanila.



Kung kaya naman madalas ay naiiwang umiiyak ang misis dahil sa nangaliwa nitong mister na sumama sa kaniyang kabit. Marahil kabit ang madalas na kontrabida sa maraming mga pagkakataon ngunit mayroon din palang pangyayari kung saan tila ba ang kabit ang agrabyado!


Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagsusumbong ng isang lady guard na nagngangalang Arlene Adrales sa sikat na programa ni Raffy Tulfo dahil diumano sa asawa ng kaniyang kinakasamang si Jay Mortera.


Ayon sa naging salaysay niya, sinugod siya ng misis ni Jay na si Charry Mortera sa kaniyang pinagtatrabahuhan kasama ang isang anak nito. Doon ay pinagtulungan at sinaktan siya ng mag-ina. Galit na galit si Charry dahil sa patuloy pa rin daw ang relasyon ng kaniyang mister at ng kabit nito.

Ayon kay Arlene ay tapos na ang naging relasyon nila ni Jay. Ayon naman sa naging pahayag ni Charry ay hindi na siya nakapagtimpi pa lalo na nang makita niyang magkausap pa ang dalawa nang pumunta ito sa mall na pinagtatrabahuhan ni Arlene.

Ipinahayag naman ni Jay na noon pa man ay sinabi na niya ang totoo kay Arlene at batid nitong mayroon siyang pamilya. Ang kaniyang pamilya ang pinipili ni Jay kung kaya naman tinapos na niya ang kanilang relasyon ngunit sinabi naman ni Arlene na hindi totoo ang sinasabing ito ni Jay.

Bandang huli ay nagkaayos din ang tatlo dahil sa inilipat na rin naman ng kanilang opisina si Arlene pagkatapos ng eskandalo at muling nagsama ang mag-asawa na sina Jay at Charry.




error: Content is protected !!