OFW, blinock ng kaniyang kaibigan dahil sa hindi ito pumayag sa request ng kaibigan na Gucci na bag!



Ang pagiging isang Overseas Filipino Worker o OFW ay hindi isang biro. Maraming mga sakripisyo ang ginagawa ng isang OFW alang-alang sa kaniyang mahal na pamilya. Kahit pa nga malayo sa mga mahal sa buhay at mag-isa lamang sa araw-araw sa ibayong-dagat ay tinitiis nila ang lahat ng ito para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.



Ngunit tila hindi ito batid ng marami sa ating mga kababayan kung kaya naman hindi na rin maiwaksi pa ang kaisipang ito sa marami sa atin kung saan ang mga OFW o mga manggagawang Pilipino natin mula sa ibang bansa ay maraming dala-dalang pera o pasalubong para sa mga kamag-anak at kapamilya nilang naninirahan sa Pilipinas.


Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ibinahaging karanasan ng isang OFW sa kaniyang kaibigan. Ayon sa ibinahaging post ni Lynne Cherrie, mayroon siyang isang kaibigan na katulad din niyang isang OFW na humiling ng regalo mula sa kaniya.


Ipinakita nito ang naging pag-uusap nila kung saan nagsend ng larawan ng bag ang kaniyang kaibigan at sinasabing mura lamang ito. Ang nasabing bag ay isang kilalang mamahaling bag na kilala sa pangalang Michael Kord o Gucci Bag. Tunay ngang mas mababa ang halaga nito kumpara sa orihinal na presyo ng bag.


Sa kanilang naging pag-uusap ay tila pinipilit at iginigiit ng kaniyang kaibigan na iyon na lamang ang iregalo sa kaniya bilang pasalubong nito sa kaibigan. Ngunit nang tanggihan ito ni Lynne ay nagulat na lamang siya dahil blinock na siya nito sa Facebook. Ang naging walong taong pagkakaibigan nila ay nagwakas lamang sa isang simpleng kamustahan, at sa paghiling ng pasalubong at ngayon nga ay humantong sa tila pagkakakompromiso ng kanilang pagkakaibigan.



Nakakalungkot mang isipin ngunit sadyang masakit din sa damdamin ang magkaroon ng ganitong karanasan lalo na kung ang dahilan ng iyong pagsasakripisyo sa ibang bansa ay para sa iyong pamilya at lalong-lalo na sa iyong mga anak.




error: Content is protected !!