Magara at magandang tahanan ni Rufa Mae Quinto labis na hinangaan ng publiko!



Si Rufa Mae Quinto Magallanes o mas kilala ng publiko bilang si Rufa Mae Quinto ay 41 taong gulang na aktres, komedyante, host, at occasional singer mula sa Pampanga. Siya ay panganay sa pitong magkakapatid. Siya ay second-degree cousin ng aktres na si Jean Garcia na mula din sa “That’s Entertainment” katulad niya.



Taong 1999 hanggang 2000 nang mag-date sila ng singer-songwriter at pulitiko na si Dingdong Avanzado. Nag-date din sila noon ng isa pang kilalang mang-aawit na si Erik Santos. Siya ay ikinasal sa isang financial analyst na si Trevor Magallanes noong Nobyembre 24, 2016 sa Quezon City. Nagkakilala ang dalawa noong 2016 nang magtungo si Rufa Mae sa Estados Unidos. Isinilang niya ang kaniyang panganay na anak na si Athena noong Pebrero 18, 2017.


Kamakailan lamang ay namangha ang publiko sa ibinahagi niyang mga larawan ng kaniyang ipinapaayos na bahay. Ayon sa kaniyang caption sa mga nasabing larawan ay mayroon siyang ipinapaayos na bahay sa Amerika at dito sa Pilipinas.


Ibinahagi din ng sikat na komedyante ang kanilang pagsusumikap ng kaniyang mister na makapagpatayo ng sarili nilang tahanan. Sa kasalukuyan ay “long distance relationship” ang mag-asawa dahil sa nagtatrabaho si Trevor sa Amerika habang dito naman sa Pilipinas naninirahan ang komedyante at ang kaniyang anak.


Masayang-masayang nagbahagi si Rufa Mae na unti-unti na nilang nakakamit mag-asawa ang kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya. Pabiro pang nagkwento ito na tila isa siyang interior designer dahil sa kaniyang ginagawa. Talaga namang hindi maipagkakaila ang ganda at gara ng kaniyang tahanan magmula sa kwarto, sa bango, sa living room at sa dining area.



Talaga namang kamangha-mangha ang mga larawan ng bagong bahay ni Rufa Mae at nagsisilbing inspirasyon ang kanilang pagsusumikap na mag-asawa upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mahal na anak. Tunay ngang walang ibang pangarap ang mga magulang kundi makitang masaya at komportable ang kanilang mga anak at masigurado ang kanilang kinabukasan.




error: Content is protected !!