Silipin natin ang napakagandang tahanan ni EB Dabarkads Allan K.



Si Alan Joveness Quilantang ay kilala din ng maraming mga Pilipino bilang si Allan K. Siya ay 60 taong gulang na aktor, komedyante, mang-aawit at television host. Binansagan din siyang “Pambansang Ilong ng Pilipinas” ng publiko. Isa siya sa mga kilalang host ng noontime variety show na Eat Bulaga sa GMA network. Kamakailan lamang ay labis na hinangaan ng publiko ang napakaganda at napakagarang tahanan ni Allanm K.

 

View this post on Instagram

 

Merriest christmas from my home to yours!!!

A post shared by Allan K (@allan_klownz) on



Naitatampok din ang kaniyang tahanan sa ilang mga news website mula pa noong 2018 dahil sa pagiging elegante nito. Sa mga ibinabahagi niyang larawan sa kaniyang social media, mapapansin na ang kaniyang tahanan ay mayroong white, silver at white gold na kulay ito. Ang komedyante mismo ang nagdisenyo ng kaniyang tahanan na talaga namang kapansin-pansin na simple at “minimalist” style.




Ilang mga netizens pa nga ang nagbahagi na ang tahanang ito ni Allan K. ay talagang “yayamanin”. Talaga namang nakakamangha ang napakagandang istruktura at mga kagamitan sa kaniyang tahanan. Isa sa mga larawang ibinahagi ni Allan sa kaniyang social media account ay ang isang kwarto na simple lamang kung titingnan ngunit napakaelegante talaga.




Mayroon itong sofa na kulay puti na kasya ang tatlong katao na maaari ding gawing higaan. Mayroon din itong kakaibang “wall divider” na maaaring paglagyan ng mga awards, toy collection, mga vase at iba pa. mapapansin ding napakaluwag ng bahaging ito ng kaniyang bahay.




Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na manghang-mangha sa kaniyang tahanan:



“Madam Allan ang ganda po ng house mo,” komento ni “K”.
“Wow! Very relaxing nga po,” sabi naman ni “E”.
“Ang ganda po ng ambiance, relaxing at para bang ang sarap sa pakiramdam. Prayer room niyo po ba iyan Ms. A,” Ayon kay “N”.

“Loving your space. You’re very classy Ma’am @allan_klownz and very much able! Kainggit lang. Gustuhin ko man hindi keri. Hehe,” sabi naman ni “H”.




error: Content is protected !!