Andi Eigenmann masayang ibinahagi ang balitang buntis siyang muli sa kaniyang ikatlong anak!



Si Andi Eigenmann ay isa sa mga sikat na aktres at modelo ng kaniyang henerasyon. Sino ba namang hindi hahanga sa angkin niyang kagandahan at kasexyhan?

Maliban pa rito ay mayroon din siyang talento sa pag-arte tulad ng kaniyang mga magulang na sina Jaclyn Jose at Mark Gil na parehong batikang mga artista. Ngunit sa kabila ng matagumpay na karerang naghihintay sa kaniya sa industriya ng show business ay napagdesisyunan na lamang niya isang araw na mamuhay ng simple at komportable sa isang isla kung saan nakilala niya ang kaniyang partner ngayon na isang professional surfer na si Philmar Alipayo.



Sa Siargao kung saan sila ay tahimik at masayang namumuhay binubusog ni Andi at ni Philmar ng pagmamahal ang kanilang mga anak. Hindi madaling talikuran ang industriyang kinabibilangan noon ni Andi ngunit matapang niyang kinaharap ito at sa wakas ay nakamtan na niya ang pinapangarap niyang buhay.

Malayo man sa marangyang pamumuhay na nakasanayan niya noon ay talaga namang masayang masaya na ngayon si Andi lalo na at mayroon na namang paparating na biyaya sa kanilang buhay. Nasa sinapupunan niya kasi ang ikatlo niyang anak at ikalawang anak nila ni Philmar.




Umani ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens ang balitang ito ni Andi na kaniyang itinampok sa isa sa kaniyang mga vlogs. Binati rin niya ang kaniyang minamahal para sa kaarawan nito.


Bagamat hindi sila magkasama sa ngayon ay ipinahayag naman ng celebrity mom at vlogger kung gaano siya kasaya at kapalad dahil sa pamilyang binubuo nila ni Philmar.

“Happy birthday, mahal ko. We miss you so much. I hope we get to go home to the island soon so we can be together again and we can celebrate your birthday together.” Pagbati ni Andi.

“For now, my message for you is thank you very much for everything you do for our family and for me. I have this really awesome life with you and because of you, I live in a really nice island and I live in paradise with you and the kids.” Dagdag pa niya.

“newest Happy Islander on the way” kung ilarawan ni Andi ang kanilang supling sa kaniyang sinapupunan.




error: Content is protected !!