“Excuse letter” ng isang estudyante, viral ngayon sa social media dahil sa pag-absent nito ng tatlong araw dahil wala silang pagkain!



Isang guro ang nagbahagi ng nakakaantig na kwento ng kaniyang estudyante na naging usap-usapan sa social media dahil sa nakakaantig na nilalaman ng “excuse letter” nito. Ang pagliban sa klase o ang hindi pagpasok sa eskwela ng mga estudyante ang isa sa pinakamabigat na problema ngayon sa maraming mga paaralan sa bansa.



Lalo na sa mga pangpublikong paaralan kung saan ang mga mahihirap na pamilya ay walang sapat na salapi upang makabili ng mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mga anak sa pagkain man o para sa paaralan. At isa na nga marahil dito ang 14 na taong gulang na si Jerom Felipe na tatlong araw hindi nakapasok sa eskwela dahil sa walang pangbili ng pagkain ang kanilang pamilya.


Ang guro ni Jerom na si Jen Dullente ang nagbahagi ng nakakaantig na excuse letter nito sa social media na agad din namang nag-viral. Ito ang kaniyang naging caption sa larawan ng excuse letter ni Jerom:
“As I read my students’ excuse letter, a magnitude of realization slaps me! That’s why I choose to be a TEACHER. To lend a hand to students like them and make them perceive that p0verty is not a wall to break but an opportunity to climb and see what lies behind.” Pahayag ng guro.


Si Jerom ay nasa ika-pitong baitang na ng kaniyang pag-aaral sa Bugo National High School sa Cagayan de Oro City. Matapos ang tatlong araw niyang pagliban sa klase ay sinabihan nito ang kaniyang ina na si Rosalinda Felipe na gawan siya ng “excuse letter”. Bagamat hindi batid ng ina kung ano ang ilalagay dito, agad namang sinabi ng anak na sabihin lamang nito ang totoo.



“Sabi ko, ‘Sige gawa tayo ng excuse letter.’ Sabi niya, ‘Ano sasabihin natin?’ Sabi ko, Yung totoo na wala tayong bigas dahil hindi naka-drive ang papa mo dahil sira ang tricycle,’” Pahayag ng ina.



Ang ama ni Jerom ay kumikita lamang ng P200 sa isang araw bilang isang tricycle driver at dahil hindi ito makapamasada ng tatlong araw dahil sa sakit ay naging malaking pagsubok para sa pamilya ang kanilang pagkain sa araw-araw.




error: Content is protected !!