Sunshine Cruz sa pagtuturo sa mga anak sa matalinong paghawak ng kani-kanilang mga pera: “Lead by example”



Ang pagpapalaki ng tatlong mga anak ng mag-isa ka lamang ay hindi madali ngunit para sa aktres na si Sunshine Cruz, ito ay itinuturing niyang pagpapala. Kagaya na lamang ng ibang mga ina sa kanilang mga anak nais niya rin na maging malakas at matalino ang kaniyang mga anak lalo na sa mga pagdedesisyon nila sa buhay. Sinimulan niya ito sa pagtuturo sa kaniyang mga anak kung paano hawakan ang kanilang mga pera o pananalapi.



Ayon kay Sunshine, siya ay nagiging isang magandang halimbawa sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng pag-dedesisyon niyang unahin ang kaniyang mga pangangailangan kaysa kaniyang mga gusto o luho lamang. Pagbabahagi pa ng aktres sa PEP, kapag mayroon siyang sobrang pera hindi naman daw niya nalilimutang bigyan ng “reward” ang kaniyang sarili kung kaya naman ang pasoshopping niya ay kung mayroon lamang siyang extra. Dagdag pa ng aktres ay hindi siya mahilig sa mamahaling bagay o di kaya naman ay sa mga maramihan kung mamili.




Ayon pa sa kaniya, natutunan din ng kaniyang mga anak na sina Angeline, Angelina at Chesca na maging masinop sa kanilang mga gamit. “Ever since, ‘yung mga anak ko hindi sila natuto na maging magarbo, kasi lagi ko sinasabi sa kanila na laging unahin natin yung needs kesa ‘yung wants.” Pahayag pa ng aktres. Pagbabahagi pa niya, natutunan din ng kaniyang mga anak na hindi mag-expect na ang mga bagay na gusto nila ay makukuha nila agad-agad at basta-basta na lamang. Ayon sa celebrity mom, kung mayroon silang sobrang pera, o di kaya naman ay mayroong espesyal na okasyon tulad ng kaarawan, Pasko, o magagandang mga marka sa kanilang eskwela ay doon lamang niya ibinibigay ang nais ng kaniyang mga anak.




Ang kaniyang panganay na si Angelina na isa ring kilalang personalidad sa industriya ng show business ay mayroon na ding sariling kita at maging siya ay alam din kung paano gastusin ang kaniyang pinaghirapang pera sa pinakamainam na paraan.
“I want to save up for my own car. I want to spend on my own things as well.” Pahayag ni Angelina.






error: Content is protected !!