Inireklamo ang employer na ito dahil sa puro barya ang kaniyang pasahod sa kaniyang mga empleyado!



Isang netizen na nakilala bilang si Sharon Tinio Ruivivar ang umalma sa kaniyang employer dahil sa pagpapasahod nito ng puro barya sa umabot pa sa halagang P6,337 na puro piso at 25 sentimos pa! Talaga namang hindi na siya nakapagtimpi pa at ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang kaniyang naging masalimuot na karanasan.



Ayon pa sa netizen, sa halip na maipangbili na ng gatas at iba pang pangangailangan sa bahay ang kanilang sweldo ay kakailanganin pa nilang bilangin isa isa ang mga baryang ito. Madalas din na nagpopost tungko sa kagandahang loob ang nasabing employer sa social media ngunit tila hindi maganda ang naging pagtrato nito sa mga taong bahagi ng kaniyang negosyo. Sa kabila ng kaniyang sinapit ay nagpasalamat pa rin ang naturang netizen dahil sa sahod nila na “minimum”. Dagdag pa nito ay Diyos na lamang ang bahala sa kaniya.


Hindi naman nagpatinag ang employer at matapang din niyang sinagot ang alegasyon ng kaniyang empleyado. Ayon sa employer, ang kaniyang mga trabahador na pinasahod niya ng barya ay pumapasok lamang diumano sa mga kompanya upang maghanap ng butas, makapagreklamo, at magawang perahan ang kanilang mga boss.


Sinabi pa niyang mga magnanakaw, mga adik, at mukhang pera diumano ang kaniyang mga empleyado. Bukod dito ay tamad daw at malilikot ang kamay ng mga trabahador na tanggal na rin pala sa kanilang trabaho. Ayon pa sa kaniya ay ginagamit lamang ng mga ito ang batas upang makahuthot ng pera sa mga kompanya na baguhan pa lamang. Kung saaan sila ay magpapaawa at magkukunwaring biktima upang makahuthot ng pera.


Marami ding mga netizens ang umalma at naglabas ng kani-kanilang saloobin patungkol sa pangyayari. Hindi ikinatuwa ng publiko ang pagiging arogante at matapobre ng employer sa halip na magpakumbaba na lamang o di kaya ay hayaan na lamang ang kaniyang mga naging empleyado.



Ayon pa sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi dapat lumagpas sa 1000 pesos ang baryang 1, 5 at 10 pesos pag ibinayad at sa baryang 1, 5, 10 at 25 sentimo ay hanggang 100 piso lamang. Ito ay ayon sa Circular No. 537 Series of 2006 ng Bangko Sentral ng Pilipinas.




error: Content is protected !!