Korina Sanchez nagdiwang ng kaniyang ika-55 taong kaarawan kasama sina Pepe at Pilar sa beach!

Si Korina María Baluyut Sánchez-Roxas ay 55 taong gulang na broadcast journalist, television news anchor, senior field correspondent, magazine show host, radio anchor at newspaper columnist. Siya ang kasalukuyang “Chief Correspondent for the Integrated News and Current Affairs Division” ng ABS-CBN Corporation. Kamakailan lamang ay ipinagdiwang niya ang kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang mister na si Mar Roxas at ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar sa isang beach sa Batangas.

 

View this post on Instagram

 

First thing in the morning…SEAWATER!!! His tita said, “Pepe needs a tan”???#BestLife

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

Nais sana ng sikat na mamamahayag na ipagdiwang ang kaniyang kaarawan sa Maldives ngunit hindi maaari dahil sa siya ay isa nang ina ngayon. Nasa isip na ng mag-asawa ang “beach” kung kaya naman dinala nila ang kanilang kambal na sina Pepe at Pilar sa Batangas, ang kauna-unahan nilang “beach getaway”.

 

View this post on Instagram

 

Ako naman kay Pepe…#NanayNiPepeEnPilar?

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

Madalas kasakasama ni Korina si Pepe habang kasama naman ni Pilar ang kanilang ama na si Mar. Ayon pa sa Instagram post ni Korina, masayang masayang naglalaro ng tubig dagat si Pepe habang si Pilar naman ay tila inoobserbahan pa ang mga bagong bagay sa kaniyang paligid. Nagdala din ang mag-asawa ng “inflatable pool” kung saan naglaro at nagtampisaw si Pilar. Isang masayang larawan naman ang kanilang pamilya ang ibinahagi ni Korina habang nagsasaya sila sa napakagandang paglubog ng araw sa tabing-dagat. Nilagyan niya ito ng caption na: “Life is good, despite. I ask for health, love, and time. I claim it. Amen.”

 

View this post on Instagram

 

Exhale. Thank You Lord for my #BestBirthdayEver?

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

Tunay ngang wala nang mas hihigit pang regalo mula sa Diyos kundi ang buo at masayang pamilya. Ang pagkakaroon ng pamilya ay isang napakagandang biyaya na kailanman ay hindi mababayaran ng kahit na magkanong salapi o materyal na bagay. Kung kaya naman mas mainam na iparamdam natin sa ating mga mahal sa buhay na mahal natin sila at masaya tayong kasama sila araw-araw. Hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng ganitong pambihirang pagkakataon na makasama ang kanilang pamilya sa araw-araw.

Source: Pep



error: Content is protected !!