Isang matandang babae, bente pesos lamang ang pera ng pumasok sa Jollibee ngunit sa kabila nito ay nakatanggap siya ng libreng pagkain mula sa isang mabait na crew!



Maraming mga tao ang humanga sa ginawa ng isang crew na ito na hindi nagdalawang-isip na tumulong sa isang matandang babae na pumasok sa loob ng kilalang fast-food chain na Jollibee na ang dala-dala lamang na pera ay nagkakahalaga ng bente pesos! Ang mabait na crew ay napansin ni Marold Aquino Anido habang siya ay kumakain sa Jollibee Crossing, Calamba sa Cabanatuan City. Napansin niya ang isang matandang babae na pumasok sa loob ng nasabing store nang mag-isa lamang at nagtungo sa counter area.



Na-curious siya ng makita ang matandang babae na mayroon pang bitbit na plastic bag ng gulay na tila galing siya sa palengke. Minsan pa ay tiningnan niya ang matanda habang tila nakatulala lamang ito sa menu at hindi alam kung ano ang kaniyang bibilhin. Nagtungo ang matandang babae kung saan mayroong ilang crew na nag-uusap at tila itinanong niya kung ano nga ba ang kaniyang mabibili sa halagang bente pesos na kaniyang dala-dala. Alam ni Marold na walang magagawa ang mga crew na iyon sa sitwasyon ng kawawang matanda ngunit nakita niyang mayroong tumulong dito upang makaupo na ang matanda sa kaniyang lamesa.


Habang nakaupo ay palinga-linga pa ang matanda dahil sa hindi nito maintindihan kung bakit walang kumuha ng kaniyang bente pesos na pangbili sana ng kaniyang pagkain at sinabihan na lamang siya na maghintay doon. Ayon pa kay Marold, tila hindi na komportable ang matanda sa kaniyang pag-upo at paghihintay sa crew ngunit wala din naman siyang magawa dahil wala siyang dala na extrang pera upang maibili ng pagkain ang matanda.


Maya-maya pa ay dumating na ang isang lalaking crew at isang babaeng crew na nagbigay ng pagkain ng lola na talaga namang ikinatuwa nito. Masayang masaya ito dahil sa wakas ay makakain na siya. Pilit pa ngang iniaabot ng matanda ang kaniyang bente pesos ngunit sinabi ng mga crew na sagot na nila ang pagkain ni lola. Matapos nito ay inihatid pa ng isang crew si lola palabas ng kanilang store at nang makauwi ito ng maayos at ligtas.





error: Content is protected !!