“Age doesn’t matter” ayon sa It’s Showtime host na si Jhong Hilario at sa longtime girlfriend nito



Si Virgilio Viernes Hilario Jr., o mas kilala ng publiko bilang si Jhong Hilario ay 43 taong gulang na aktor, mananayaw, at pulitiko. Miyembro din siya ng isa sa pinakakilala at pinakahinangaang dance group sa Pilipinas noon, ang “Streetboys”. Siya ay kasalukuyang nagsisilbi sa Makati City Council.


Bilang isang aktor, hinangaan din siya ng marami sa natatangi niyang pagganap sa ilang mga pelikula gaya na lamang ng “Muro Ami” noong 1999 kung saan gumanap siya bilang si “Butong”, ang “D’ Anothers” taong 2005, at ang Dekada ’70 noong 2002.




Naghiwalay sila ng kaniyang dating asawa na si Michelle Westgate taong 2011. At ngayon nga ay masayang masaya na ang kaniyang puso dahil sa kaniyang bagong minamahal na si Maia Azores na diumano ay nagtatrabaho sa isang “local airline company”. Kahit pa nga marami ang nagtataas ng kilay sa kanilang relasyon dahil sa 15 taon nilang agwat sa isa’t-isa ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.


Kahit pa nga 43 na ang edad ng aktor at 15 taon ang tanda nito sa kaniyang nobya ay kitang-kita sa mga larawan na ibinabahagi nila sa kani-kanilang social media account ang tunay na saya at kagalakan sa kanilang pagsasama. Sa ngayon ay halos higit na sa walong taon ang kanilang relasyon.


Mahilig silang mamasyal sa iba’t-ibang magagandang lugar dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nang sila ay nagtungo sa Paris, France nagbahagnagbahagi ng isang napakasweet na mensahe ang kaniyang nobya para sa Kapamilya actor at host. Narito ang naging caption niya sa napakaganda nilang larawan.



First time I was here was with my FIRST LOVE, My Dad. He brought me and my brother, Nitoy when I was 9. The three of us had so much funny memories in Paris I will never forget. Second time I was here was my FIRST TIME to travel alone in Europe. “That was such a fun experience. I got to go around Europe for 2 weeks with girls my age. It was the ultimate teenage getaway at 16!!! And now, My Third time, I am with my FIRST EVER BF and it’s his FIRST TIME here! It’s def gonna be another one for the books! Can’t wait to make new memories with him! Celebrating our 7th year together,”




error: Content is protected !!