Traffic enforcer walang pakundangan na kumuha ng paninda ng kawawang bata, umani ng sari-saring komento mula sa publiko!



Alam naman natin na ang mga “traffic enforcers” ang nagpapatupad ng batas sa lansangan at gumagabay sa maraming mga motorista. Sila rin ang inaasahang magpatupad ng katahimikan at kaayusan sa kakalsadahan. Nakakalungkot lamang ang katotohanan na dahil sa kanilang trabaho ay mayroong iilang mga “traffic enforcers” na samantalahin ang pagpapatupad nila ng batas upang manlamang o magsamantala sa kanilang kapwa tao. Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kawawang bata na ito na nagtitiyaga at nagsusumikap na magtinda ng kaniyang panindang mangga ngunit walang pakundangan na lamang na kumuha ang isang traffic enforcer ng ilang balot ng kaniyang tinitinda. Para sa isang batang nagsusumikap na kumita ng pera para sa kaniyang pamilya, napakalaking bagay na ng bawat supot ng mangga na kaniyang inilalako.


Isang netizen na nakilala bilang si Januarie Sinnung Calzado ang nagbahagi ng kaniyang pagkadismaya at galit sa nasabing traffic enforcer na talaga namang walang puso dahil sa pagkuha na lamang basta basta ng apat na supot ng mangga na itinitinda ng kawawang bata. Ayon pa sa kaniya, ang nasabing traffic enforcer ay nakadestino sa P. Tuazon Cubao sa Quezon City sa Metro Manila. Naikwento din niya na ang kawawang bata ay huminto na sa pag-aaral upang masuportahan ang kaniyang pamilya lalo na ang kanilang pagkain sa araw-araw. Iba’t-ibang mga prutas ang itinitinda ng bata at nang araw nga na iyon ay mangga ang kaniyang nilalako at sa pagkuha ng lapastangang enforcer ng apat na supot ng kaniyang paninda nang walang binabayad kahit singko ay talaga namang nakapanlulumo para sa kawawang bata. At dahil na rin sa takot ay wala nang nagawa pa ang bata kundi hayaan na lamang at palampasin ang nangyari. Matapos nito ay nagpatuloy na lamang sa paglalako ang bata hanggang sa makarating ito sa opisina kung saan nagtatrabaho si Januarie.




Ito ang naging caption ng netizen sa kaniyang viral post na umantig sa puso ng maraming mga Pilipino:
“Nakakalungkot lang po isipin na gawin ito sa musmos na walang kalaban laban at ang hinangad lamang ay magtrabaho para lang mabuhay,” Pahayag ni Januarie.


Maraming mga netizens ang talaga namang galit na galit sa enforcer na dapat sana ay tumutulong sa mga tao ay siya pang nagpapakita ng hindi magandang pag-uugali lalo na sa bata na ito.




error: Content is protected !!