Loisa Andalio sinorpresa ang kaniyang nobyo na si Ronnie Alonte sa kaarawan nito!



Sinorpresa ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio ang kaniyang on at off-screen partner na si Ronnie Alonte para sa kaarawan nito. Talaga namang hinangaan ng marami ang dedikasyon ni Loisa upang masorpresa ang kaniyang nobyo sa espesyal na araw nito. Nagbahagi din siya ng isang video clip at larawan sa kaniyang Instagram account.



Ito ang naging caption ni Loisa sa kaniyang social media post:
“Happy Birthday, I love you! Ang wish ko para sayo ngayong birthday mo na makita ng buong mundo kung gaano kabuti yung puso mo. Enjoy your day beh! Happy monthsary din! @iamr2alonte Tagumpay ang walang tulugan.” Pahayag ng aktres.

Agad namang nagpasalamat ang aktor sa natanggap nitong sorpresa mula sa minamahal. Nagbahagi din naman si Ronnie ng isang video clip kung saan kinanta ni Loisa ang awitin ng “Up Dharma Down” na pinamagatang “Oo”. Muli ay nagbahagi pa si Loisa ng isang video sa kaniyang Instagram stories kung saan makikita ang napakasayang jamming nila sa party ng aktor.


Ang ginanap na selebrasyon ay talaga namang umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. Binati din ng kapwa niya Hashtags member si Ronnie, ito ang naging pagbati sa kaniya ni Zeus Collins:
“Happy birthday sa aking kaibigan! Minsan hiramin ko mukha mo ah para minsan pogi rin ako. ‘Pag nagkita tayo kiss kita promise.” Pagbati ni Zeus.


Ito naman ang pagbati sa kaniya ni John Lucas na dati ring miyembro ng Hashtags:
“Bespren/ Master/ Lodi Maligayang Kaarawan sa iyo! Ito pinili kong ipost para nakatakip mukha mo. Para kahit man lang sa isang photo mas mapansin mukha ko. Love you bro! Miss you”. Aniya.


Matatandaang noong Abril ay naghanda rin ng nakakakilig na sorpresa si Ronnie para sa kaarawan ni Loisa. Naghanda siya ng maraming mga bulaklak na rosas sa isang kwarto, mayroong mga kandila, live band, mga bulaklak, at hugis puso na mga lobo.



Ito naman ang naging komento ni Loisa sa ginawa ng kaniyang nobyo:
“Thank you ng sobra sayo beh para sa lahat, I love you very much! Always and forever.”




error: Content is protected !!