Korina Sanchez binalikan ang nakakakilig na love story nila ni Mar Roxas!



Si Korina María Baluyut Sánchez-Roxas ay 61 taong gulang na Filipino broadcast journalist, television news anchor, senior field correspondent, magazine show host, radio anchor at newspaper columnist. Siya rin ang kasalukuyang Chief Correspondent ng “Integrated News and Current Affairs Division” ng ABS-CBN Corporation. Siya ang maybahay ng dating Secretary ng “Department of Interior and Local Government”.



Oktubre 27, 2019 nang ipagdiwang ng magkabiyak ang ika-sampung taon nila bilang mag-asawa. At bilang pag-alaala sa kanilang naging pagsisimula sa kanilang “forever” ay nagbahagi ng ilang mga larawan si Korina sa social media na punong-puno ng mga magagandang alaala ng mga nakalipas na taon ng kanilang pagsasama. Nilagyan niya ng caption ang mga larawan at sinabing mas naging romantiko ang kanilang pagmamahalan dahil sa sinikreto nila ito sa marami.

Inalala din ni Korina noong iniintriga ng media si Mar habang nangangampanya ito sa pagka-senador kung sino nga ba talaga ang babae na kaniyang dinedate ng mga panahon na iyon. Maging ang sikat na host na si Boy Abunda ay nagtanong din kay Mar kung sino nga ba talaga ang babae na nagpapatibok ng kaniyang puso ayon na rin sa ibinahaging video ni Korina sampung taon na ang nakararaan.




Ayon pa sa sikat na mamamahayag, nakilala niya si Mar bilang isang Kongresista at “Cabinet Secretary” habang reporter naman siya ng TV Patrol at kinailangan niyang kapanayamin ang pulitiko at mapapansin na nga ang kilig sa kanilang pagtitinginan noon. Umamin sa publiko ang dalawa tungkol sa kanilang tunay na relasyon nang magkasabay silang dumalo sa Star Magic Ball.


Nagbahagi din si Korina ng kanilang larawan sa ilalim ng dagat kung saan pabiro niyang sinabi na naramdaman nilang dalawa na para talaga sila sa isa’t-isa noong kahit hanggang sa kailaliman ng karagatan ay sinundan ni Korina si Mar. Umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko ang post na ito ng sikat na mamamahayag.




error: Content is protected !!