Bata na 9 na taong gulang lamang, mag-isang nag-aalaga sa ama niyang may malubhang karamdaman!



Marami ang naantig sa kwento ng bata na ito na 9 na taong gulang lamang ang edad. Sino nga ba naman ang mag-aakala na sa murang edad ng musmos na bata ay kakailanganin na niyang buhatin sa kaniyang balikat ang responsibilidad ng pag-aalaga ng kaniyang ama. Ang kwento ng bata na ito ay ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Quintin Abregana. Nagbahagi ito ng larawan ng bata na humingi sa kaniya ng tulong para sa kaniya mismong ama.



Ayon pa sa ilang mga ulat, ang bata na nasa larawan ay si Cherry Rose Cabaquil na mag-isang nag-aalaga sa kaniyang ama na mayroon pa lang malubhang sakit sa balat. Isang taon nang inaalagaan ni Cherry Rose ang kaniyang ama dahil sa hindi na ito makabangon dahil sa kaniyang sakit at nakaratay na lamang.




Aminado ang bata na mahirap talaga ang kanilang kalagayan ngayon ngunit sa kabila nito ay talaga namang makikita mo ang tatag ng kalooban at pagiging matapang ng batang ito sa pagharap sa hamon ng buhay sa napakamurang edad. Kinailangan niyang manghingi ng tulong sa mga taong mayroong mabubuting puso para sa agarang gamutan na kailangan ng kaniyang ama.




Ang viral post ay umani na sa kasalukuyan ng 18,000 na mga reaksyon, 10,000 na mga komento at 43,000 na pagbabahagi. Dahil dito ay marami ang naantig at nagnais na makapag-abot ng tulong sa batang ito at sa kaniyang ama. Mayroong mga nagpaabot ng pera o pinansyal na pangangailangan nila habang ang ilan naman ay nagpadala ng mga pagkain na magiging malaking tulong para sa pang-araw-araw ng mag-ama.




Laking pasasalamat nila na marami pa ring mabubuting loob ang nagnanais tumulong sa kanilang kapwa hanggang sa ngayon. Dalangin din ng mag-ama na sana ay mapagamot na ang ama upang malunasan na ang karamdaman ng ama na naging dahilan ng pagkakaratay nito.






error: Content is protected !!