Julia Montes nagbahagi ng isang sweet na mensahe para sa kaarawan ni Coco Martin!

Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala ng publiko bilang si Julia Montes ay 24 na taong gulang na aktres na mayroong lahing German. Nagsimula siyang sumabak sa industriya ng showbiz nang siya ay napabilang sa programa na “Goin’ Bulilit”. Labis siyang nakilala ng publiko dahil sa natatangin niyanf pagganap bilang Clara del Valle sa naging “remake” ng Mara Clara taong 2010 hanggang 2011 kasunod nito ay ang kaniyang pagganap sa family drama na “Way Back Home noong 2011.

Ang naging huli niyang proyekto sa telebisyon ay ang afternoon television series na “Asintado” kasama niya ang mga batikang artista na sina Lorna Tolentino, Paulo Avelino, Shaina Magdayao, Agot Isidro, Cherry Pie Picache, at Aljur Abrenica. Gumanap siya bilang si Ana Dimasalang, isang paramedic na naging personal na nars na ni Gael Ojeda na nailigtas niya ito mula sa isang aksidente at nahulog sila sa isa’t-isa.
Matapos nang matagumpay niyang proyekto ay napabalitang nagtungo siya sa bansang Germany upang makasama ang kaniyang tunay na ama at ang iba pa niyang mga kamag-anak doon. Ngunit ayon sa ilang mga sabi-sabi at espekulasyon ng publiko diumano ay nagsilang ito ng isang sanggol kung saan ang aktor na si Coco Martin daw ang ama. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon tungkol sa magkabilang panig.

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang post ng aktres kung saan binati niya si Coco Martin para sa ika-38 taon nitong kaarawan noong Nobyembre 1. Sa nasabing post ay nagbahagi si Julia ng larawan ni Coco na makikita din sa Hallway ng main building ng ABS-CBN na matatagpuan sa Quezon, City. Sa nasabing post ay naglagay pa ng caption si Julia na “HBD” bandang 12:30 am ng Biyernes. Mayroon din itong “face blowing a kiss emoji” at “birthday cake emoji”. Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko.



error: Content is protected !!