Ion Perez dating tinatawag na “Kakanin Boy” ngayon ay “Kuya Escort” na ng It’s Showtime!

Si Ion Perez o mas kilala nang publiko ngayon bilang si Kuya Escort ng noontime show na “It’s Showtime” ay isa sa mga hinahangaang personalidad ngayon sa industriya ng show business. Hindi lamang dahil sa kaniyang angking kagwapuhan at makisig na pangangatawan kundi dahil na rin sa kaniyang pagpapasaya sa maraming mga Pilipino.

Maraming nga sa atin ang nabigla nang tahasan nang aminin ng sikat na host at komedyanteng si Vice Ganda ang tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Ito ay naganap noong ika-26 ng Oktubre 2019. Tinuldukan na nila ang mga usap-usapan at bulong-bulungan patungkol sa matamis nilang pagtitinginan.


Narito ang naging pag-amin ni Vice Ganda:
“At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone. At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa. Meron na akong katuwang sa buhay.” Pahayag ng sikat na komedyante.


Si Ion Perez ay mula sa Concepcion, Tarlac. Ang kaniyang namayapang ama ay nagngangalang Eufronio na isang jeepney driver habang ang kaniyang ina naman na si Zenaida ay nagtatrabaho bilang isang tindera ng kakanin. Ang kaniyang mga magulang ay biniyayaan ng 15 mga anak at si Ion nga ang pang-11 sa mga ito. Inilarawan ni Nanay Zeny ang anak niyang si Ion bilang osang makulit na batang mahilig maglaro ng basketball.

Hindi na kataka-takang siya ang mayroong pinakamaitim na kulay sa kanilang magkakapatid. Bukod pa nga rito ay tinutulungan niya ang kaniyang ina sa paglalako nito ng kaniyang mga panindang kakanin, lugaw, at merienda. Ang batang si Ion ang nagsisilbing tiga-bitbit ng kaniyang ina ng bag nito na mayroong laman na “kalamay”.

Naging kaagapay siya ng kaniyang ina sa pagtitinda hanggang sa siya ay tumuntong sa 23 o 24 na taong gulang. Pagbabahagi pa ni Ion ay nasa ikatlong taon siya noon ng hayskul nang magdesisyon siyang mag-ayos ng kaniyang hitsura at iwasan na ang labis na paglabas ng bahay na nagiging dahilan ng labis niyang pag-itim ay pagpayat. Sa mga panahon ding ito ay nagwowork-out na rin siya upang mapanatili ang makisig niyang pangangatawan.

Source: Pep



error: Content is protected !!