CEO, pinayagang umuwi ang kaniyang empleyado upang maalagaan ang anak na maysakit. Pangako nitong hindi siya mawawalan ng trabaho!



Maraming mga empleyado lalo na ang mga magulang ang kadalasang nahihirapan upang pagsabayin ang kanilang trabaho at ang kanilang pag-aasikaso sa kanilang pamilya at mga anak. Madali mang sabihin na kaya naman nilang iwanan ang lahat ng kanilang mga alalahanin sa kanilang trabaho ay hindi pa rin maiaalis sa kanila na mag-alala dahil sa sila ay mga magulang din naman sa kanilang mga anak, at mga asawa bukod sa pagiging empleyado nila.



Kung kaya naman hinangaan ng publiko ang CEO na ito ng California-based recruiting company na Premier Search matapos niyang payagan ang isa niyang babaeng empleyado na makauwi sa kanilang tahanan upang maalagaan ang kaniyang anak na may sakit. Nangako din ito na makakasweldo pa rin siya kahit pa naubos na niya ang kaniyang leave para sa kaniyang anak. At talaga namang gulat na gulat at walang mapagsidlan ng kaligayahan ang kaniyang empleyado. Siya ay nakilala bilang si Bernie Reifkind.

Bukod pa rito ay binigyan niya ng kaunting tulong pinansyal ang kaniyang empleyado at hanggang sa ngayon ay isa ito sa pinakamahuhusay niyang mga empleyado hindi dahil sa kaniyang kakayahan ngunit dahil sa kaniyang katapatan. Tunay ngang nakakatuwang malaman na mayroon pa rin pa lang mga ganitong uri ng amo o boss na nakakaintindi sa nararamdaman at sa pinagdaraanan ng kaniyang mga empleyado. Ayon pa sa kaniya marapat lamang na maintindihan ng maraming mga amo na maraming mga tao sa ngayon kabilang na ang ilan nilang mga empleyado ang pasan pasan ang bigat ng mundo sa kanilang mga balikat at ang pang-unawa sa kanila ay talaga namang makakatulong ng malaki.


Ito marahil ay magiging isang aral para sa maraming mga amo at mga mayroong negosyo na huwag din naman sana nilang kalimutan na bukod sa pagiging isang empleyado ng kanilang mga tauhan ay isa din silang ina, ama, kapatid, at anak sa kanilang mga mahal sa buhay. At sabi nga ng matatanda, kani-kaniya lamang tayo ng dalahin sa buhay, at kani-kaniya din naman tayo ng paraan kung paano ito masosolusyonan o mapagtatagumpay. At bilang mga amo, boss o kahit kapwa tao na lamang, tiyak na maiintindihan din naman natin sila kung bubuksan lamang natin ang ating puso at isipan.





error: Content is protected !!