Tinaguriang “real life beauty and the beast” ang magkasintahang ito na madalas na nilalait at hinuhusgahan ng mga tao sa kanilang paligid!



Talaga namang kamangha-mangha ang social media dahil sa maaaring mabasa ng maraming mga tao ang mga komento at mga post na iyong ibinabahagi sa mga social media platforms sa ilang segundo lamang. Ngunit ang hindi kaaya-ayang epekto nito ay ang madalas ay nakakasakit na rin ang ilang mga komento ng mga tao sa kanilang kapwa tao. Kagaya na lamang ng magkasintahang ito na nakatatanggap ng maraming mga masasakit na salita sa mga taong nakakakita ng kanilang mga larawan sa social media.



Sa tuwing magpopost ng kaniyang larawan sa social media si Linh kasama ang kaniyang nobyo na si Hai ay palagi na lamang itong inuulan ng maraming mga panghuhusga at negatibong komento mula sa publiko. Nilalait ng marami ang kaniyang nobyo dahil sa labis na katabaan nito at ang pagiging panget niya.


Maraming mga tagasubaybay sa social media si Linh dahil mayroon siyang higit sa 39,000 na mga followers. Karamihan sa kaniyang mga followers ay nagkokomento ng hindi magagandang salita patungkol sa kaniyang nobyo samantalang si Linh naman ay pinupuri at hinahangaan dahil sa kaniyang porselanang kutis at balingkinitang katawan.


Mayroon pa ngang ilang mga netizen ang nagbansag sa kanila bilang “beauty and the beast” habang ang ilan ay kinukwestyon din ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ngunit sa kabila nito ay mas nagiging matatag pa ang halos mag-iisang taon na nilang relasyon. Kahit pa nga hinuhusgahan na rin si Linh bilang isang “gold digger” ay hindi pa rin nagpaapekto ang magkasintahan.


Ayon sa nobya, mula nang maging magkasintahan sila ay talaga namang mas naging maligaya siya sa kaniyang buhay kumpara dati noong hindi pa niya nakikilala ang nobyo. Tunay ngang kung wagas ang pagmamahalan ng dalawang tao ay walang makahahadlang sa kanilang pagmamahal kahit pa buong mundo ang humadlang sa kanila at subuking tibagin ang kanilang pagmamahalan, sila ay mas lalo pang tumatatag sa pagdaan ng panahon.






error: Content is protected !!