Ito pala ang kamangha-mangha at napakagandang “Kaparkan Falls” ng Abra na talaga namang dinarayo ng maraming mga turista!



Mapalad tayong mga Pilipino dahil talaga namang napakadami nating mga magagandang tanawin at lugar na talaga namang dinarayo at tinatangkilik ng mga turista at ekskursyonista. Hindi lamang matataas na bundok ang mayroon sa Pilipinas dahil mayroon din tayong mga nakakamanghang yamang-tubig at yamang-lupa. Bukod sa mga makapigil hiningang ganda ng mga tanawing ito ay mayroon din tayong mga halaman, at mga uri ng hayop na tanging dito lamang sa ating bansa matatagpuan.



Kagaya na lamang ng isang lugar na ito sa Abra na talaga namang mapapa-wow ang sinumang makakakita nito! Ang lugar na ito ay tinatawag na Kaparkan Falls o Mulawin Falls. Sino ba naman ang mag-aakala na mayroon pa lang natatagong paraiso ang Abra?


Dahil sa nakamamanghang ganda nito ay hindi na nakapagtataka na dinarayo ito ng maraming mga tao. Ito ay matatagpuan mismo sa Sitio Kaparkan, Barangay Caganayan, Tineg sa probinsiya ng Abra. Ang sukat nito ay nasa 500 metro ang haba at 60 metro naman ang laki at direktang dumadaloy sa Tineg River.


Pinakamainam na pagbisita sa lugar na ito ay ang panahon ng tag-ulan kung kailan ang mga tila “hagdan-hagdang palayan” nito ay napupuno ng tubig. Tuwing tag-araw ay tuyo ang mga ito. Lingid sa kaalaman ng marami ay napakahirap din ng pagpunta sa paraisong ito dahil sa mahaba-habang lakaran at pag-akyat ng bundok ang kailangan bago mo mapuntahan ang napakagandang lugar na ito.



Pagkatapos ng ilang oras na pagbiyahe patungo sa probinsiya ng Abra ay kakailanganin pa ng mga turista na tahakin ang tinatawag nilang “hell ride”. Talaga namang susubukin talaga nito ang iyong pasensya at ang iyong katawan dahil sa mabato at maputik na daan. Matapos nito ay kailangan ding maglakad ng malayo na aabot sa 20 hanggang 30 minuto depende sa iyong bilis sa paglakad.

Ngunit kapag naman narating mo na ang pamosong lugar na ito ay tiyak na mapapawi ang iyong pagod! Aakalain mong napapalibutan ka ng mga umaapaw na “infinity pools”. Ang “white limestone terraces” na ito ay hindi mo madalas makikita at mararanasan nang basta basta na lamang.

Source: TaraLetsAnywhere






error: Content is protected !!