Kilalanin ang prinsipe ng Brunei na pinagkakaguluhan ngayon sa social media dahil sa paglahok nito sa SEA Games!



Tiyak ay maraming mga Pilipino ang nabigla na mayroong isang tunay na prinsipe ang magtutungo sa ating bansa at magiging isa sa mga kalahok sa SEA Games. Siya ay walang iba kundi ang prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah.



Siya ay binansagan din ng maraming mga netizens bilang isang “hothlete”. Siya ay anak ni Sultan Hassanal Bolkiah at isa siya sa mga miyembro ng kanilang “polo team”. Talaga namang popular na popular ang prinsipe dahil sa 1.2 million followers nito sa Instagram at talaga namang napakarami din niyang mga fan page sa social media. Binansagan din siya ng international magazine na GQ bilang “one of Asia’s most eligible blue-blooded bachelors.”



Tunay nga na hindi pinalampas ng maraming mga Pilipino ang angkig kagwapuhan ng prinsipe dahil maraming mga tagahanga ng prinsipe mula pa sa Calatagan, Batangas ang bumiyahe para lamang makita ng personal ang prinsipe habang naglalaro ito ng “polo”.



Pag-aminin naman ng matipuno at makisig na prinsipe na natutuwa siya sa atensyon at mainit na pagtanggap na ibinibigay sa kaniya ng mga Pilipino kung kaya naman walang kaso sa kaniya ang pagpapakuha ng mga ito ng litrato kasama siya.


“They just wanted some pictures and I’m flattered.” Pahayag ng prinsipe. Nagwagi ang grupo ni Prince Mateen laban sa ating koponan at nakakuha sila ng kauna-unahan nilang panalo sa 30th SEA Games.



Kasama din ng prinsipe ang kagalang-galang na Prinsesa na si Prinsesa Azemah Ni’matul Bolkiah nang masungkit ng “Brunei Darussalam national polo team” ang kanilang unang panalo sa 8.5-8 victory labas sa Pilipinas sa 4-6 high goal ng polo event. Pahayag pa ng prinsipe, hindi madaling talunin ang koponan ng Pilipinas dahil sa mahuhusay din silang mga manlalaro.

Mula nang lumahok sila noong 2017 sa SEA Games sa Kuala Lumpur ay sumali na rin sila sa iba’t-iba pang mga kompetisyon at laro. Nakapag-uwi sila ng bronze noon at sisikapin pa din nilang makapag-uwi ng mas mataas pang karangalan.





error: Content is protected !!