Netizen, humingi ng tulong para sa kaniyang kaanak na bagong panganak, “am” na lamang ang pinapadede nito sa kaniyang anak dahil sa kakapusan sa pera!



Maraming mga banyaga ang nakakapansin na tayong mga Pilipino ay mayroong kahanga-hangang katangian. Marami sa atin ay “resilient”, ito ay isang katangian kung saan nagagawa nating maging matatag, malusog, at matagumpay pagkatapos ng isang sakuna o isang matinding dagok sa buhay.

Dahil sa madalas tayong nakakaranas ng matitinding mga kalamidad nitong mga nagdaang taon marahil ay dulot ng “climate change” at iba pang mga kadahilanan, marami sa atin ang talagang nawawalan ng kabuhayan, nasisiraan ng bahay at iba pang mga ari-arian o di kaya naman ay napapahamak o naaaksidente. Kung para sa ilan ay katapusan na ito ng mundo, para sa maraming mga Pilipino ay hahanap at gagawa sila ng paraan upang makabangon muli.

Ngunit habang nagsisikap silang makaraos at makaahon muli ay talagang matinding sakripisyo talaga ang kanilang ginagawa. Tulad na lamang ng kaanak ng netizen na si Lean Javier.

Ibinahagi niya sa social media ang mahirap na sitwasyon ng kaniyang lola na si Marlyn Borabo, kakapanganak lamang kasi nito ngunit dahil na rin sa pandemya ay mas lalo silang nahirapan lalo na at nawalan ng trabaho ang kaniyang asawa. Dahil dito ay “am” o sabaw ng bigas na lamang ang ipinapadede nito sa kaniyang sanggol.

Nais makatulong ni Lean ngunit maging sila ay sobrang hinahamon din ng maraming mga pagsubok. Kung kaya naman sa simpleng pamamaraan na ito ay nais niyang makatulong kahit papaano.

Marami din naman ang naantig sa kwentong ito nina Marlyn dahil sa gitna ng pandemya ay marami talagang mga pamilya ang labis na naapektuhan. Bagamat hindi pa tuluyang natatapos ang pandemyang ito ay patuloy pa ring lumalaban sa buhay ang karamihan sa atin.

Sa tulong ng kanilang mga kaanak at mga mabubuting tao na handang mag-abot ng tulong kahit gaano pa ito kaliit at kasimple. Tunay nga na wala sa laki ng halaga ang pagtulong sa kapwa hindi ba?




error: Content is protected !!