82-anyos na Balut vendor labis na hinahangaan ngayon ng publiko dahil sa pambihira niyang kasipagan!



Napakarami na nating nababalitaan sa panahon natin ngayon na mga bagay na talaga namang nakakagalit at nakakainis sa bansa man natin o sa iba pang mga bayan sa buong mundo. Ngunit sa kabila ng mga ito ay mayroon pa ring mga bagay na nakapagdudulot sa atin ng inspirasyon upang minsan pa ay maniwala tayo sa kakayanan at sa puso ng bawat tao lalo na sa kanilang pagtulong at pag-unawa sa kanilang kapwa tao.



Katulad na lamang ng naging usap-usapan na balita kamakailan lamang patungkol sa isang matandang Balut vendor na tinulungan ng vlogger na si “The Hungry Syrian Wanderer”. Ang 82 taong gulang na lolo ay 50 taon na palang nagtitinda ng balut!


At sa mahabang panahon na iyong ay talaga namang hahangaan no ang angkin niyang kasipagan at katiyagaan sa buhay. Hindi na rin niya kasa-kasama pa ang kaniyang mga anak kung kaya naman talagang nagsusumikap siyang maghanap-buhay upang kumita ng pera.


Sadyang napakaraming natutunan ng sikat na vlogger na ito sa “Legendary Balut Vendor”, napakarami din namang kwento ng matanda patungkol sa napakalawak niyang karanasan. Ngunit ang labis na pagka-miss niya sa kaniyang mga anak ang labis na kumurot sa puso ng marami.


Bagamat kapansin-pansin ang kaniyang tindig at lakas sa kabila ng kaniyang edad ay hindi pala nito nabibili at napaglalaanan ng pera ang kaniyang mga gamot kung kaya naman napagpasyahan na din ng vlogger na siya na mismo ang bibili nito para sa matanda buwan-buwan. Tunay nga na napakagandang inspirasyon ng buhay ni Lolo Fernando at ang pagtulong ni “The Hungry Syrian Wanderer”.



Payo din niya na alagaan at mahalin ng bawat isa ang kanilang mga magulang at ang kanilang mga lolo at lola. Mas mabuti na paglaanan sila ng sapat na panahon at oras upang mas masulit pa nila ang kanilang mga natitirang panahon kasama tayo. Tunay nga na naging napakalaking parte din sila ng ating buhay at kung ano or sino man tayo sa ngayon ay dahil rin sa kanilang pagmamahal at pagsuporta sa atin noon.




error: Content is protected !!