Ipinapa-renovate na bahay ni Michael V., napakaganda at napakalawak kung kaya naman labis itong pinag-uusapan ngayon ng publiko!



Ilang araw na lamang at sasapit na naman ang ika-25 araw ng Disyembre! Ang isa sa mga espesyal na okasyon na talaga namang pinahihintay at pinakaaabangan ng maraming mga Pilipino. Ito ang panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan ng bawat isa.



Panahon kung saan nabibigyang-pansin natin ang mga taong mahal natin at mga taong nagmamahal sa atin. Kamakailan lamang ay nagbahagi sa kaniyang social media account si Michale V. sa ipinapaayos nilang tahanan na talaga namang nagpamangha at nagpabilib sa maraming mga netizens. Dahil hindi lamang maganda at malawak ang kanilang tahana ngunit ito ay mula sa pagsusumikap nilang mag-asawa. Nakakabilib hindi ba? Ngunit higit pa rito ay talaga namang kumurot din sa puso ng marami ang naging pahayag ng aktor patungkol sa Kapaskuhan.


Dahil nga sa nagpapaayos sila ng kanilang tahanan ay napansin niyang napakarami pala nilang mga gamit na maaari pang mapakinabangan at ang iba pa nga ay halos hindi pa nagagamit talaga. Kung kaya naman sinisimulan na nilang pamilya ang pagkakahon ng mga ito at balak nila itong ibigay sa mga mas nangangailangang tao o sa mga “charitable institutions”. Ilan din sa mga ito ay plano nilang ipamahagi din sa ilan sa kanilang mga pamilya, kamag-anak, at malalapit na kaibigan.


Mayroon ding pakiusap ang aktor at sikat na komedyante sa kaniyang mga kaibigan, kapamilya at mga katrabaho para sa kaniyang nalalapit na kaarawan at sa Kapaskuhan. Nais niya sanang hilingin na sa halip na mga materyal na bagay ang iregalo sa kaniya ay dasal na lamang sana para sa mabuti nilang kalusugan, isang simple ngunit tapat na pagbati at ang simpleng pag-Like, pag-Follow o pag-Subscribe sa kaniyang mga social media accounts.


Talaga namang hinangaan ng publiko ang Kapuso comedian na ito na ang tanging hiling lamang ay mga simpleng bagay para sa kaniyang kaarawan at sa nalalapit na Kapaskuhan sa halip na mga mamahaling materyal na bagay. Tunay ngang hindi matatawaran ng ano mang halaga ng salapi ang busilak na puso at pagmamahal sa iyong kapwa.






error: Content is protected !!