Mga larawan ng isla ng Boracay bago pa man ito dagsain ng mga turista, patok na patok ngayon sa netizens!



Sa kabila ng napakaraming mga pinagkaka-abalahan ng mga tao ngayon ay talaga namang ilan lamang ang pamamasyal at pagbibiyahe sa kanilang mga pampalubag-loob o di kaya naman ay “reward” sa kanilang mga sarili. Ang isla ng Boracay ay isa lamang sa mga lugar na talaga namang dinarayo ng karamihan, mapa-Pilipino man o dayuhan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.



Sino ba naman ang hindi mabibighani sa angking ganda nito, mula sa nakaka-relaks na white sand beach nito at sa malinaw na katubigan. Bukod pa ang napakaraming mga aktibidad na maaaring gawin at enjoyin dito kasama ang mga mahal sa buhay.

Tunay ngang babalik-balikan mo talaga ito. Ngunit sa paglipas ng mga taon ay nakakalungkot isipin na marami nang naging pagbabago at mga negatibong epekto ang pagiging popular ng isla ng Boracay. Dahilan din upang ito ay maabuso, at magresulta sa pagpapasara nito para sa “renovation” nito.




Sa ngayon ay bukas na itong muli sa publiko ngunit mayroon nang mga patakaran na istriktong ipinapatupad. Ngunit bago pa man lubusang makilala ang paraisong ito sa buong mundo ay talaga namang nakakamangha ang dati nitong ganda at kalinisan na sa mga larawan na lamang makikita.


Ang mga larawang ito ng isla ng Boracay noon pang dekada 80 ay talaga namang nagpabalik sa atin ng ating mga magagandang alaala noon pa man. Ang napakagandang view nito ay talaga namang hindi makapigil hininga! Noon ay payak lamang ang pamumuhay ng mga residente dito na madalas na nakasakay sa kanilang mga alagang kalabaw. Bago pa man ang mga matataas at magagarang establisyemento sa Boracay ay nakuhanan din ng ilang mga larawan ang mga maliliit na barong-barong dito na talaga namang nagdadagdag ng ganda sa kapaligiran.

Bago pa man ang mga “de-motor” na sasakyan ay mayroon nang mga bangka ang mga residente dito na ginagamit nila para sa komportableng sakayan ng mga bisita ng napakagandang isla na ito.




error: Content is protected !!