Vhong Navarro nagbahagi ng mga “pre-nup photos” nila sa social media isang araw bago sila ikasal ni Tanya Bautista!



Marami ang nasorpresa at natuwa nang isapubliko ni Vhong Navarro ang plano nilang pagpapakasal ng longtime girlfriend nito na si Tanya Bautista. Bumuhos ang mga pagbati sa magkasintahan at talaga namang inabangan ng husto ng publiko ang mga ulat patungkol sa kanilang pribadobg pagpapakasal na ginanap sa Kyoto, Japan noong ika-28 ng Nobyembre.



Bagamat hindi nagbigay ng anumang detalye o larawan ng singsing ang “It’s Showtime” host ay inulan pa rin ng mga pagbati mula sa maraming mga netizens at ilan pang mga sikat na artista ang post ni Vhong Navarro ng kanilang “pre-nup photos” isang araw bago ang kanilang kasal.


Ang mga na ito ni Vhong Navarro at ni Tanya Bautista ay punong-puno ng mga magagandang kuha nila ng kanilang pre-nup photos. Ang “Metrophoto” ang nagbahagi ng “behind the scenes video” nina Vhong at Tanya. Ang kanilang pre-nup photoshoot ay ginanap sa Vietnam sa Golden Hand Bridge sa Da Nang at sa Fairy River.


Hindi din naman nagpahuli ang sikat na komedyante at host sa pagpopost ng kanilang mga larawan sa kaniyang social media account. Labing-isang taon nang magkasintahan si Vhong at si Tanya na isang kilalang writer ng ABS-CBN. Ilan sa mga katrabaho ni Vhong sa programang “It’s Showtime” ang dumalo sa naging pagdiriwang nila ng kanilang kasal sa Japan.



Si Vhong ay ikinasal na noon sa kaniyang dating asawa na si Bianca Lapus kung saan mayroon siyang isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Isaiah. Mayroon din siyang isa pang anak sa non-showbiz na nobya nito dati.

Maaalala na nasangkot sa isang kontrobersiya noon si Vhong na naging malaking dagok sa kaniyang karera sa industriya ngunit sa kabila nito ay naging mas matatag pa ang kanilang relasyon at hindi iniwanan at pinabayaan ni Tanya si Vhong na harapin ito ng mag-isa bagkus ay magkasama nila itong hinaharap at napagtagumpayan.




error: Content is protected !!