Ito pala ang napakagandang condo unit at kubo ni Gwen Zamora at David Semerad!



Si Gwenaelle Tasha Mae Agnese o mas kilala ng publiko bilang si Gwen Zamora ay 29 na taong gulang na aktres, modelo, at dating dancer sa Pilipinas. Anim na taon siyang naging artista sa ilalim ng pamamahala ng GMA Network hanggang sa lisanin niya ito nang taong 2016.



Taong 2017 ay nagbalik siya sa GMA network matapos ang isang taon na pagtatrabaho sa ABS-CBN. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sina Gwen at David sa kanilang social media account kung saan nagbahagi sila ng ilang mga larawan ng kanilang condoynit at ang kanilang kubo sa Batangas kasama na rin ang kanilang anak na si baby Cooper.

Ibinahagi ni Gwen ang tinutuluyan niyang condo unit kasama ang kaniyang fiancé na si David. Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang “Teepee baby gym” at “baby bouncer chair” na talaga namang nagdagdag ng ganda sa kanilang “living room”. Ilang mga netizen din naman ang nagkomento na tila kailangan na yata ng aktres ng mas malaking kama para sa kaniyang mag-ama. Sagot naman ng aktres ay kailangan na nga niya talagang palitan ng mas malaki ang kaniyang kama dahil sa malaki talaga ang kaniyang mag-ama.




Samantala, malapit nang matapos ang ipinapagawa nilang kubo sa kanilang Batangas farm. Ilang buwan matapos nilang simulan ang pagpapagawa nito ay nagpapalipas na sila ng ilang araw dito. Ang kubo nila ay mayroon ding “jalousie” na mga bintana na mas nagpaganda pa dito. Ngunit ang higit na nakakamangha dito ay ang napakagandang tanawin ng kanilang bukirin sa tabi mismo ng kanilang ipinapagawang kubo. Bukod dito ay mayroon pa silang mga sariwang buko at sariwang hangin na madalang nilang maranasan sa siyudad.


Kung sakali din naman na maging mainit ang panahon ay mayroon namang “air conditioning unit” ang kanilang kubo. Maging ang kanilang kusina ay buhay probinsiya din talaga. Agosto ng taong 2019 nang maging magulang sina Gwen at David at talaga namang ipinagpapasalamat ni Gwen ang naging tagumpay nilang mag-asawa. Mayo naman ng parehong taon nang ma-engage ang dalawa.




error: Content is protected !!