“Twinning photos” ng mag-inang Cristine Reyes at anak nitong si Amarah sa London hinangaan ng netizens!



Marami tayong hinahangaan na mga sikat na artista sa Pilipinas at sa ibang bansa ngunit higit pa rito ay mas lalo tayong napapamahal tayo sa ating mga iniidolong artista dahil sa kanilang masaya at magandang pamilya. Isa na marahil dito ang sikat na kontrabidang si Cristine Reyes at ang kaniyang apat na taong gulang na anak na si Amarah.



Si Ara Cristine Pascual Klenk-Khatibi ay 30 taong gulang na aktres, at modelo. Siya ay hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang husay sa pag-arte at sa kaniyang angking kagandahan. Kamakailan lamang ay kinatuwa ng publiko ang naging bakasyon ng mag-inang Cristine Reyes at anak nitong si Amarah sa London. Talaga namang kitang-kita ang ganda ng mag-ina sa mga larawang ibinahagi nila sa social media. Lumipad patungong London ang mag-ina nito lamang Nobyembre at talaga namang nag-enjoy ang dalawa sa kanilang mga “twinning moments” at “twinning OOTDs”.


Para sa isang siyudad na kilala sa malamig na klima nito ay mas minabuti ng Kapamilya actress ang itim at puting mga kulay ng kasuotan na babagay sa kahit anong “winter coat”. Nanuod din ang mag-ina ng “The Lion King” sa Lyceum Theatre sa Wellington Street kung saan nakasuot silang dalawa ng puting “turtleneck sweaters” na tinernohan naman nila ng itim jeans. Nakasuot naman ang mag-ina ng itim na mga damit nang kumain sila sa isang sikat na restaurant. “Hindi rin na pinalampas ang pumunta sa “Clip ‘n Climb”.


Nito lamang Setyembre ay hinangaan ng publiko ang mag-ina dahil sa “matching gowns” nila nang dumalo sila sa ABS-CBN Ball sa Shangri-La The Fort. Talaga namang umani ng napakaraming positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang mga larawang ito ng mag-ina. Tunay ngang nakuha ni Amarah ang angkin niyang kagandahan sa kaniyang ina na si Cristine. Sa paglaki kaya ni Amarah ay makikita din natin siya bilang isang sikat na modelo o artista?





error: Content is protected !!