Ito pala ang magagandang epekto ng pagkain ng talbos ng kamote sa ating katawan!



Hindi na lingid sa ating mga kaalaman ang magandang epekto sa ating pangangatawan ng pagkain natin ng talbos ng kamote. Ang halamang ito ang ilan sa mga masusustansiyang gulay na hindi na nangangailangan pa ng mabusisi at matinding pag-aalaga upang tumubo ng maayos. Ang talbos ng kamote ay mayaman sa Vitamin C at Vitamin B ayon sa ilang mga pag-aaral sa Siyensya. Bukod pa sa mga bitaminang ito ayt mayroon din itong iba pang mga mineral at nutrisyon na mainam para sa malusog nating pangangatawan. Ito ang ilan pa sa mga magagandang dulot nito sa ating katawan:

PANLABAN SA ANEMIA




Kapag ang isang tao ay kulang sa “red blood cells” o “hemoglobin”, ang kondisyon na ito ay tinatawag na “anemia”. Ang mga taong “anemic’ ay mapapansin nating maputla at nanghihina dahil sa ang “hemoglobin” ang nagbibigay ng kulay sa ating dugo. Malaking tulong ang pagkain ng talbos ng kamote sa ating katawan dahil sa nagtataglay ito ng “iron” na kailangan ng ating mga katawan upang makagawa ng sapat na “red blood cells”.

ANTI-DIABETES



Ang sakit na “diabetes” ay pangunahing sanhi ng sakit sa puso, pagkabulag, at kidney fa!lure. Ang talbos ng kamote ay mayroong “anti-diabetic compound” na nakapagpapababa ng “blood glucose content” ayon na rin sa maraming mga pag-aaral at pananaliksik.

PANGSUPORTA SA KALUSUGAN NG MGA BUTO



Ang talbos ng kamote ay mayroong Vitamin K na tumutulong sa pagpapanatili ng “calcium” sa mga buti upang makaiwas din sa pagkakaroon ng “osteoporosis”. Malaking tulong din ang pagkain ng talbos ng kamote upang makaiwas sa bone l0ss o sa pagiging marupok ng mga buto ng mga taong mayroong osteoporosis.

MABISANG ANTIOXIDANT




Ang mga free radicals sa ating kapaligiran ngayon ay nakapagdudulot ng maraming mga sakit katulad na lamang ng kanser. Upang makaiwas ang ating katawan sa mga ito ay kailangan natin ng antioxidants at ang talbos ng kamote ay mayaman sa antioxidants.

MABISA ITO SA PAGPAPAGANDA NG BUHOK AT BALAT


Vitamin A naman ang kailangan ng ating katawan para sa pagpapaganda ng ating buhok at balat. Mabisa din ito sa pagkakaroon ng maraminng “collagen” sa ating katawan na nakatutulong upang makaiwas tayo sa “wrinkles” at upang magkaroon tayo ng kutis na katulad ng sa mga bata o sanggol.

PANGSUPORTA SA KALUSUGAN NG MATA




Ang ating mga mata ay nangangailangan ng “lutein” at mayaman dito ang talbos ng kamote. Ang lutein at zeaxanthin ay maraming beanepisyo sa ating mga mata at mabisa rin upang maiwasan natin ang “age-related mascular degeneration” at katarata.