Isang medical student sa Tsina nagligtas ng isang matandang lalaki na nasa panganib!



Ang “Sina Weibo” ay isang “Chinese microblogging website” na nailunsad noong taong 2009. Isa ito sa pinakamalaking “social media platforms” sa Tsina ngayon. Higit sa 445 milyong tao na ang gumagamit nito buwan-buwan. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan online ang “medical student” na ito na agad na tumulong sa isang matandang lalaking bigla na lamang humandusay sa sahig at nahimatay.



Ang matandang lalaki ay sinasabing nasa 81 taong gulang ayon sa ilang mga ulat. Sa isang “train platform” siya nawalan ng malay. Ang mga tauhan ng estasyon ng tren ay humingi ng tulong sa iba pang mga pasahero sa pamamagitan ng kanilang “PA System” ngunit walang ibang doktor ang agad na rumesponde bukod sa isang estudyante na nag-aaral pa lamang ng medisina.


Ang matapang na estudyante na ito ay mula sa Jinzhou Medical IUniversity. Nagsagawa siya ng Cardiopulmonary resuscitation o CPR at mouth-to-mouth resuscitation. Makalipas ang 10 minuto ay naging maayos naman ang kalagayan ng matanda dahil na rin sa tulong ng medical student na ito. Ang matapang na medical student na ito ay nakilala bilang si “Ding Hui”. Ayon sa kaniya responsibilidad ng mga “medical staff” na iligtas ang mga taong nasa panganib ang buhay. Umani ng napakaraming positibong komento at reaksyon ang estudyante na ito mula sa mga netizens.


Ayon sa ilang mga netizens ang katapangan ng taong ito upang matulungan at maisalba ang buhay ng matandang lalaki ay karapat-dapat lamang hangaan at purihin. Mayroon ding ilang mga netizens ang nagsasabing tiyak na magkakaroon siya ng magandang kinabukasan lalo na at medisina ang kaniyang kinukuhang kurso.


Ayon pa sa isang netizen, hindi ang pagsasagawa ng CPR ang mahirap gawin kung hindi ang magkaroon ng mabuti at matapang na puso. Talaga namang isa siya sa mga tao na karapat-dapat hangaan ng publiko. Siya ay nagsisilbi bilang napakagandang inspirasyon para sa ating lahat.






error: Content is protected !!