“Hindi pa huli ang lahat!”, inspirasyon si Manny Pacquiao ngayon sa maraming mga Pilipino na hindi masamang mangarap kahit pa matanda na!



Kamakailan lamang ay nabalitaan natin ang pagtatapos sa kolehiyo ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. At kasabay nga nito ay napakagandang mensahe na nagsilbing inspirasyon para sa maraming mga Pilipino na nangangarap. Ayon sa sikat at mahusay na Pilipinong boksingerong ito ay nagsabi na hindi tayo dapat matakot na mangarap ng mataas kahit gaano pa tayo katanda. At tunay nga na siyang nagsisilbing buhay na patotoo sa mga katagang ito.



Sa kaniyang social media account na Instagram ay nagpost si Senador Manny ng isang mahabang mensahe kaugnay ng kaniyang pagtatapos sa kolehiyo. Sa edad na 40 ay buong kagalakan siyang naglakad sa entablado upang tanggapin ang kaniyang diploma para sa Bachelor of Arts in Political Science- Local Government Administration at the University of Makati.


Hinihikayat ni Senadaro Manny ang bawat isa na huwag hayaang mawala na lamang ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay. Pinaalalahan niya ang lahat na itanim sa puso ng bawat isa na hindi pa huli ang lahat upang mangarap tayo ng mataas. At hindi pa rin huli ang lahat upang makamit natin ang ating mga pangarap. Ang pagtupad ng ating mga mithiin sa buhay ay hindi lamang para sa ating sarili kung hindi para din sa ating pamilya at sa ating bayan.


Si Senador Manny ay produkto ng “Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng “Philippine Councilors League-Legislative Academy (PCCLA) na nagpahintulot sa kaniya upang makumpleto ang kaniyang kurso sa pamamagitan ng “informal education”. Masayang masaya si Senador Manny na makuha ang kaniyang diploma at iaalay ito sa kaniyang pamilya.


Sa kabila ng napakaraming mga pagkilala at parangal na kaniyang nakuha ay sinabi nitong ang pagkakaroon niya ng diploma sa kolehiyo a c jsa sa pinakamakahulugan sa lahat. Umaaasa si Senador Manny na ang pagtatapos niyang ito sa kolehiyo ay magsisilbing paalaala sa mga tao na huwag sumuko sa buhay basta-basta at matuto tayo na yakapin ang kahit anumang problema o pagsubok na darating sa atin.






error: Content is protected !!