Netizens naantig sa kwento ng 89-anyos na lola na nagtitinda ng mga basahan sa lansangan para sa kaniyang mga apo!



Tayong mga Pilipino ay sadyang malapit sa ating mga lola at lola. Marami pa nga sa atin ay lumaki sa kanilang pagkalinga at pagmamahal. Kung kaya naman mahal na mahal natin ang ating mga lolo at lola kahit pa gaano na sila katanda. Ngunit kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang naantig sa matandang babae na ito na sa edad na 89 taong gulang ay nasa lansangan pa at nagbebenta ng mga basahan para sa kaniyang mga apo.



Isang “concerned netizen” na nakilala bilang si Kathrina ang nagbahagu ng mga larawan ng matandang babae na nakilala bilang si Lola Porferia o mas kilala ng marami bilang si Lola Ibyang na namataan niyang nagtitinda ng mga basahin sa kahabaan ng Daang Hari SB na malapit sa “intersection” sa Commerce Ave, Alabang. Ayon sa caption ng netizen, ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan kung kaya naman ipinakilala niya si Lola Ibyang na sa edad na 89 ay nagtitiyaga at nagsusumikap pang magtrabaho sa halip na nagpapahinga na lamang sa kanilang tahanan.


Ayon pa sa netizen ay kilala na niya ang matanda noon pang 2015. Kung kaya naman nagbabakasakali siyang marami ang tutulong sa kaniya lalo na ngayon na magpa-Pasko. Sa pagbili lamang ng mga basahan nito na nagkakahalaga ng P100 at kaunting pangungumusta sa matanda ay tiyak na magiging masaya na ito. Nagpadala din siya ng mensahe sa kilalang vlogger na kilala ng publiko bilang si “The Hungry Syrian Wanderer” na tumutulong sa mga taong labis na nangangailangan lalo na sa mga taong masisipag sa kabila ng kanilang mga pinagdadaanan.



Narito ang buong post ni Kathrina:


“Christmas is the season of giving.
Meet Lola Ibyang. She’s already 89 years old but still working hard for her grandchildren. We’ve known her since 2015 and she still remembers us. Please, if you happen to pass by her spot along Daang Hari SB just a few meters past the T-intersection of Commerce Ave., from 2pm to 5pm, stop and buy a pack of basahan from her for 100 pesos. 20 pesos lang her profit per pack, the rest goes to her supplier. You can also just say hi, it will surely bring a smile on her face. Please share lola’s story. Let’s make this viral!

UPDATE: Sent a PM to “The Hungry Syrian Wanderer” aka Basel last November 5th. I got a reply from him yesterday and sent lola’s latest photos!!! Let’s hope he can visit lola soon!”




error: Content is protected !!