13-anyos na batang lansangan tinuturuan ang sarili na magbasa at magsagot ng Math dahil sa wala siyang pera upang makapag-aral sa paaralan!



Mahirap talaga ang buhay natin at marami sa atin ang malimit na nakakaranas nito sa pang-araw-araw. Lalong lalo na ang mga tao na nakatira sa lansangan. Dahil sa wala talaga silang pagkain na makakain, walang maayos na tahanang matitirhan. Marami sa kanila ang namamalimos na lamang sa lansangan, nakakagawa ng mga bagay na labag sa batas katulad na lamang ng pagnanakaw para lamang mayroon silang panglaman sa kanilang sikmura. Ang pinakamahirap pa dito ay ang mawalan sila ng buhay dahil sa pagiging mahirap nila o palaboy-laboy.


Ngunit lingid sa ating kaalaman ay mayroon palang isang 13 taong gulang na bata mula sa Malaysia na nagpapatunay na hindi hadlang ang kahirapan para makamit ang kanilang tagumpay. Wala siyang kakayanan na makapasok sa isang maayos na paaralan at kumakain lamang ng halos isang beses sa isang araw. Ngunit aakalain mo ba na ang batang ito ay nagsusumikap at nagtitiyaga na maturuan ang kaniyang sarili na magbasa at matuto ng Math.




Isang concerned netizen na nakilala bilang si Mohd Fadli Salleh ang nagbahagi ng kwento ng batang ito sa social media. Ayon pa kay Mohd nabanggit sa kaniya ng bata na ang huling beses na nakapasok siya sa paaralan ay noong siyam na taon pa lamang siya. Ang kaibigan ni Mohd na si Nooraini ang unang nakakita sa bata sa lansangan. Nagmagandang loob naman ito at pinakain ang bata sa isang fast-food restaurant ngunit agad ding nakatulog kung kaya naman may Mohd nagkwento ang bata na kanilang tinulungan. Si Mohd ay isang guro na talaga namang naantig sa kwento ng bata.


Ayon sa pahayag ni Mohd ay labis siyang humanga sa ugali ng batang ito lalo nang malaman na tinuruan lamang pala nito ang sarili na makapagbasa at makapag-aral ng “basic mathematics”. Dahil sa kaniyang natuklasan ay nagnanais siyang matulungan ang bata sa kaniyang pag-aaral at nagkaroon din sila ng kasunduan na maaaring kumain ang bata sa kaniyang tindahan kahit anong oras at siya na ang bahala na magbayad upang hindi na muli pang kumalam ang kaniyang sikmura.





error: Content is protected !!