Department of Agriculture: Mas masustansiyang alternatibo ang karne ng mga “rabbit” kaysa sa ibang karne



Panahon na naman ng Kapaskuhan kung kaya naman panahon na naman ng kabi-kabilang selebrasyon at pagsasalo-salo. Maaaring para sa marami ay natural na lamang ang mga kasiyahang ito ngunit sa ibang tao ay senyales ito na hindi na naman kaya pang mapigilan ang labis na pag-inom o di kaya naman ay paglantak sa mga masasarap na pagkain sa hapag-kainan. Malimit ay nakakalimutan na din natin ang kumain ng mga masusustansiyang pagkain.



Ngunit alam ba ninyo na ang karne pala ng kuneho ay maaari ring kainin? Bukod sa pagiging cute na alaga nito ay maaari din pala itong gawing lamang tiyan! Ayon sa pahayag ng Department of Agriculture mas masustansiyang alternatibo kaysa sa karne ng baboy o manok. Isinusulong na ngayon ng ahensya ang “rabbit farming”.

Ang karne ng kuneho ay mayroong mas mababang calorie at cholesterol content kumpara sa mga karne ng manok at baboy. Pagbabahagi pa ng Department of Agriculture ay hinihikayat nila ang mga “farm animal raisers” na mag-alaga din ng mga kuneho upang mas makilala pa at sumikat ang mas masusustansiyang alternatibo sa karne. Ang pag-aalaga ng mga kuneho ay hindi hamak na mas mura din kaysa sa pag-aalaga ng iba pang mga hayop.


Sa kabilang banda, nilinaw naman ng mga otoridad na ang pagbebenta at pagkain ng mga karne ng kuneho ay hindi ipinagbabawal ng batas. Sa ngayon at hindi pa ito kilala ng publiko kung kaya naman patuloy pa ring isinusulong ito ng ahensiya. Ang karne ng kuneho ay aprubado din ng National Meat Inspection Service. Naging kilala ang pagkain ng karne ng kuneho nito lamang nang dahil na rin sa binuksang restaurant sa Mandaue City na tinawag na “D’ Bunnychon”.


Mga lutuing gawa sa karne ng kuneho ang mga inihahain nila dito. Espesyal na putahe nila ang “roasted rabbit”. Ilan pa sa mga masasarap na putahe nila na mula sa karne ng kuneho ay ang sisig, kaldereta, bola-bola, at lumpia.






error: Content is protected !!