Bon Jovi nagpatayo ng isang restawran sa New Jersey para mapakain ng libre ang mga taong nagugutom at nangangailangan!



Ang “Bon Jovi” ay kilala bilang American rock band na nabuo noong 1983 sa New Jersey. Ang mga bumubuo sa banda na ito ay sina Jon Bon Jovi na kanilang bokalista, ang “keyboardist” nilang si David Bryan, ang “drummer” na si Tico Torres, ang gitaristang si Phil X at ang bahista nila na si Hugh McDonald.



Talaga namang marami sa ating mga lolo at lola, tito at tita at maging ang ating mga magulang ang humahanga sa banda na ito. Ngunit lingid sa kaalaman ng publiko na ang popular na rockstar pala na si Jon Bon Jovi ay hindi lamang astig na rockstar kung hindi astig din sa pagtulong sa ibang tao.


Siya ay nagtayo ng isang restawran na tumutulong sa mga taong kapus-palad, walang tirahan, at nagugutom. Ito ay tinawag niyang Bon Jovi’s Soul Kitchen na itinayo niya para sa mga taong nangangailangan. Ayon sa ilang mga ulat, kahit sino ay malugod na tatanggapin dito at maaring kumain.


Ang kanilang menu naman ay walang nakalagay na presyo o halaga dahil libre lamang ang pagkain dito para sa mga taong walang kakayanan na makabili ng kanilang pagkain. Ang mga gusto namang mag-abot ng tulong at mag-donate ay maaari ding tumulong sa pamamagitan ng pagdodonate kahit 20 dolyar lamang. Ang mga customer ng restawran na ito ay sama-samang kumakain sa isang mahabang lamesa kasalo ang mga tao na hindi nila kakilala.


Sa New Jersey unang binuksan ang Soul Kitchen, ang lugar na ito rin ang lugar kung saan ipinanganak si Bon Jovi. Mula nang simulan ang operasyom nito ay nasa higit P100,000 na ang mga pagkain na naipamahagi nila ng libre sa mga nangangailangan. Ayon din sa restawran na ito, lahat ay malugod na tatanggapin sa kanilang kainan. Bukod sa mga sariwang sangkap na nabibili nila sa lokal na merkado ay mayroon ding kalakip na dignidad ay respeto ang kanilang “menu”.






error: Content is protected !!