Nanay na magpapabinyag, ipinapaako sa kinukuha niyang ninang ang pangbayad sa simbahan at cake sa binyag ng kaniyang anak!



Pasko na naman at siyempre marami na naman sa atin ang nagnanais makatanggap ng mga regalo at aginaldo mula sa ating mga ninong at mga ninang. Ngunit marapat lamang na malaman ng bawat isa ang kahalagahan ng mga ninong at ninang sa buhay ng mga batang bibinyagan at hindi lamang tuwing Pasko sila nasasabik na makita ang mga ito.

Sila ang tumatayong ikalawang mga magulang sa kanilang mga inaanak. Kung akala natin simple lamang ang maging ninong at ninang tila nagkakamali tayo dahil bukod sa ano pa mang materyal na bagay ay obligasyon din nila na gabayan ang kanilang mga inaanak sa paglaki ng mga ito.



Kamakailan lamang ay nawindang ang maraming mga netizens dahil sa ibinahaging karanasan ni Angel na sa kaniyang social media post. Sa larawan ng kanilang pag-uusap ng kaniyang kaibigan na hindi na niya pinangalan pa ay makikitang nais siyang kunin na ninang nito para sa nalalapit na binyag ng kaniyang anak. Walang pag-aatubili namang sumang-ayon si Angel at nagtanong pa nga kung kailan ba magaganap ang nasabing binyag. Ayon naman sa kaniyang kausap ang binyag ay magaganap sa Enero 2020 na isasabay na rin sa pista ng kanilang lugar. Ngunit laking gulat na lamang niya nang hinihingian siya ng kaniyang kaibigan ng halagang 800 na bayad sa simbahan. Ngunit bukod pa pala rito ay nais ding ipasagot ng nanay sa magiging ninang pa lamang ng kaniyang sanggol ang 3-layered cakes at 24 pirasong cupcakes na aabot sa halagang P5,000.



Magalang naman itong sinagot ni Angel at hindi nagpadala sa kaniyang emosyon dahil sa katatapos lamang din nila maghanda sa unang taong kaarawan ng kaniyang anak. Ayon pa kay Angel, hindi naman dahil “seaman” ang kaniyang mister ay marami na silang pera lalo na ngayon na mayroon na rin silang mga anak na umaasa sa kanilang mag-asawa. Nagtapos ang kanilang pag-uusap nang sabihin ng nanay na iba na lamang ang kaniyang kukuhaning ninang para sa binyag ng kaniyang anak.




error: Content is protected !!