Divine Diva Zsa Zsa Padilla, ipinamalas ang kaniyang balingkinitang pangangatawan sa kaniyang Palawan Beach Getaway!



Isa sa pinakadinarayong lugar sa Pilipinas ay ang Palawan dahil na rin sa mga magagandang tanawin dito at mga naggagandahang beach! Hindi na nakapagtatakang nagtungo sa Amanpulo, Palawan ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ilang linggo bago ang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Bagamat hindi pa nga tag-init ay napili niya ito kasama ang kaniyang fiancé na si Architect Conrad Onglao upang mag-relax at makalimot muna sa gulo at ingay ng Metro Manila.



Nito lamang ika-14 na araw ng Disyempre nang magbahagi ng ilang mga larawan ang beterenang mang-aawit sa kaniyang social media account. Sumunod pa ang ilang mga araw at nagbahagi muli ng ilang mga larawan at ilang mga videos ang 55-taong gulang na Divine Diva at inilarawan pa nga nito ang Amanpulo bilang isang paraiso. Nagbahagi din siya ng 4-minute video ng isang maliit na pawikan na lumalangoy sa tubig. Mayroon din siyang larawan na ibinahagi kung saan siya ay nagmamaneho ng isang golf cart. Pahayag pa niya, mamamataan mo lamang siyang magmaneho kung walang traffic o di kaya naman ay kinakailangan sa eksena sa isang teleserye o pelikula.


Maging ang kaniyang kulay asul na swimsuit ay talaga namang kinabiliban at hinangaan ng publiko. Kitang-kita talaga ang magandang hubog ng kaniyang katawan kahit pa nasa mahigit 50-anyos na siya. Maraming mga netizens ang humanga sa kaniyang pambihirang disiplina sa sarili at sa kaniyang balingkinitang pangangatawan. Nagsilbi siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan na mas alagaan pa ang kanilang mga sarili dahil walang ibang tao ang magmamahal at magmamalasakit dito ng husto bukod sa atin.


Madalas ay nakakaligtaan na ng mga nanay na alagaan ang kanilang mga sarili ngunit dapat nating pakatandaan na upang maalagaan nila ang kanilang mga mahal sa buhay ay dapat muna nilang alagaan ang kanilang mga sarili. Kapag natutunan ito ng maraming mga kababaihan ay mas magkakaroon sila ng mahabang panahon upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.





error: Content is protected !!