Mensahe ni Coco Martin para kay Paloma na sikat niyang karakter, usap-usapan ngayon ng publiko!



Si Rodel Pacheco Nacianceno ay mas nakilala at hinangaan ng publiko bilang si Coco Martin na isang mahusay na aktor, direktor, at prodyuser. Ilan sa mga proyektong kaniyang ginawa ay ang “Walang Hanggan”, “Ikaw Lamang” “Juan dela Cruz” at ang “FPJ’s Ang Probinsyano”. Siya ay kilala rin bilang deboto ng Itim na Nazareno.



Nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa National College of Business and Arts sa Fairview Quezon City. Naging Overseas Filipino Worker din siya sa Alberta, Canada bilang isang dyanitor. Sa dami na ng kaniyang napagdaanan ay hindi na nakapagtataka na tamasahin niya ngayon ang napakaraming mga biyaya at tagumpay sa larangan na kaniyang kinabibilangan.
Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan din ng publiko ang naging mensahen ni Coco sa kaniyang sikat na karakter na si Paloma.



Si Paloma ay ang karakter na ginagampanan ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila kasama pa ang dalawang sikat na Kapuso stars na sina Ai-ai delas Alas at Jennylyn Mercado na isang comedy-action film na may pamagat na “3Pol Trobol”. Cross-dresser si Paloma at kinakailangan niyang magtago dahil sa napagbitangan siya sa isang bagay na hindi naman niya ginawa. Si Paloma din ang hinangaan ng publiko sa “FPJ’s: Ang Probinsyano” na higit apat na taon na din ngayon.



Narito ang pahayag ni Coco Martin sa kaniyang sikat na karakter na si Paloma:
“Maraming salamat sa’yo, Paloma, alam ko ito na ang huling pagsasama natin. Maraming salamat sa pagpapahiram mo sakin ng pagkatao mo mula sa FPJ’s Ang Probinsyano at sa pelikula ko na Tripol trobol mamimiss po kita lalo na ang kalandian mo!!!” Pagbabahagi ng aktor sa kaniyang social media account.



Labis na hinangaan ng publiko ang pakikibahagi ni Coco sa nakaraang MMFF Parade of Stars kung saan pumarada siya bilang si Paloma suot-suot ang pink na superhero suit na mas lalong nagpa-angat ng kaniyang angking kagandahan.



error: Content is protected !!