Zsa Zsa Padilla inalala si Comedy King Dolphy: “I miss him every day.”



Kamakailan lamang ay ibinahagi ng sikat na mang-aawit at aktres na si Zsa Zsa Padilla ang kaniyang nararamdaman at ang kaniyang pangungulila sa dati niyang longtime partner na si Comedy King Dolphy. Walong taon na rin ang nakakalipas nang pumanaw ang sikat na komedyante na talaga namang pinagluksa at kinalungkot ng maraming mga Pilipino.



Nagpost ng larawan si Zsa Zsa kung saan sa kaniyang tabi ay makikita ang puntod ni Dolphy. Nilagyan niya rin ito ng caption na:

“Today marks the 8th anniversary of Dolphy. Please say a little prayer for him,” Pahayag ni Zsa Zsa.



Humiling siya ng maiksing panalangin para sa yumaong minamahal mula sa mga tagahanga at tagasuporta nito. Dagdag pa niya, araw-araw din niyang namimiss ang batikang komedyante ngunit alam naman niyang palagi niya itong kasama kahit pa matagal na itong yumao.


Batid din niya na maraming mga alaala ang mga Pilipino patungkol kay Dolphy na kahit noon pa man ay nagdadala na ng ngiti at saya sa ating lahat. Nabiyayaan sina Zsa Zsa at Dolphy ng isang anak na si Zia at mayroon din silang isa pang ampon na anak na si Nicole Quizon.

Sa ngayon ay malapit nang ikasal ang aktres sa kaniyang longtime boyfriend na si Architect Conrad Onglao. Maaalalang noong taong 2016 ay pinahayag ng dalawang hindi na matutuloy ang kanilang kasal ngunit nagkabalikan sila ilang buwan lang ang nakalipas.

Naibahagi din ni Zsa Zsa sa publiko na hindi naging madali ang kaniyang mga pinagdaanan mula nang mawala si Dolphy ngunit labis pa rin siyang nagpapasalamat dahil sa nabigyan siyang muli ng pagkakataong magmahal at mahalin sa katauhan ng kaniyang mapapangasawang si Architect Conrad dahil hindi lahat tayo ay nabibigyan pa ng ganitong pambihirang pagkakataon.

“Sobrang saya. Talagang napaka-blessed ko na dumating si Architect Conrad sa buhay ko kasi before that, mahirap talaga,” Pahayag pa ni Zsa Zsa.




error: Content is protected !!