Silipin ang napakaganda at napaka-eleganteng tahanan ni Megastar Sharon Cuneta!



Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng sarili nating bahay na maituturing talaga nating atin. Ngunit bago pa man ang lahat, mas kinakailangan nating masiguro ang kaligtasan ang pagiging komportable natin at ng ating pamilya sa bibilhin o itatayo nating tahanan. Ang tahanan ng pamilya ni Megastar Sharon Cuneta na matatagpuan sa Mandaluyong ay talaga namang nagpabilib sa maraming mga netizens kamakailan lamang dahil sa napakagandang interyor at kabuuan nito.



“The Fortress” ang tawag ng kaniyang mga kaibigan dito. At talaga namang sinigurado ng beteranang mang-aawit at aktres na elegante ang kaniyang magiging tahanan sa labas o loob man na tunay ngang kaysarap magpahinga lalo na kung Sabado at Linggo o di kaya naman ay sa mga araw na wala siyang trabaho.


Napakalawak ng tahanan na ito na mayroon pa ngang dalawang palapag na “guest house”, mayroon din itong dalawang maluluwag na mga kwarto para sa “entertainment”, air conditioned na kulungan para sa mga alaga niyang hayop.


Taong bahay nga kung ituring ni Megastar ang kaniyang sarili. Sa katotoohanan nga ay kaya niyang hindi lumabas ng kanilang tahanan basta’t mayroon siyang mga libro, mga DVDs at siyempre ang presensiya ng kaniyang mga minamahal na anak. Aakalain mo bang hindi basta basta kurtina ang kurtina ni Megastar sa kaniyang tahanan? Dahil siya ay gumagamit ng “bamboo curtains” na talaga namang napakaganda at napakasarap na pakiramdam ang dulot sa sinumang papasok sa kanilang pintuan. Mayroon din siyang “sunburn-and-cherub sculpture” na binili pa niya mula sa Paris na naka-display sa kanilang sala.


Napaka-elegante din naman ng kanilang hagdanan na gawa sa “marble steps” at “wrought-iron railing”. Bukod sa pag-awit ay hilig din ni Megastar ang sining kung kaya naman hindi na nakapagtataka na marami siyang mga nakakamanghang koleksyon nito sa kaniyang tahanan tulad na lamang ng “mother and child painting” ni Fr. Armand Tangi na isang pari at isa ring pintor.



Mayroon din siyang pinta ni Juan Luna na “El Dios Pan” kung tawagin o “The God Pan-God of Music”. Niregaluhan din siya ng kaniyang kaibigang si Claude Tayag ng obra maestra ni Antonio Leano na larawan ng mga karwaheng kabayo na mula pa sa Madrid.




error: Content is protected !!