Ella Cruz binanatan ang kaniyang mga bashers online na nagsasabing tumaba daw siya!



Sa panahon ngayon tila marami na sa atin ang hindi mapigilang husgahan ang mga taong nasa ating paligid lalo’t higit sa mga iniidolo nating mga artista. Kamakailan lamang ay nagpahayag ng kaniyang saloobin ang Kapamilya actress na si Ella Cruz. Si Gabriela Annjane Umali Cruz o mas kilala ng publiko bilang si Ella Cruz ay 23 taong gulang na product endorser, host, commercial at promotional model, at sikat na mananayaw. Nakilala din siya ng publiko bilang si “Aryana” sa 2012 fantasy drama series na Aryana. Siya ay nasa ilalim ng Viva Artist Agency.



Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng isang dance video sa kaniyang social media account na umani ng sari-saring mga komento. Maraming mga netizens ang nakapansin sa tila pagtaba ng aktres lalo na ang kaniyang tiyan. Habang ang ilang mga netizens naman ay nagtaka kung nagdadalang-tao ba si Ella dahil sa biglaang pagtaba nito. Sa nasabing viral na dance video ay sinayaw niya ang dance cover song ng K-Pop Group na Red Velvet na mayroong pamagat na “Psycho”.


Talaga namang kapansin-pansin ang kahusayan nito sa pagsasayaw. Ngunit sadyang mayroon talagang mga tao na walang ibang nakikita o walang ibang nais punahin kundi ang mali o ang kaibahan ng kaniyang kapwa. Narito ang naging pahayag ni Ella:


“Pagka-artista bawal ba tumaba? Kailangan lagi namin ginugutom sarili namin para ma-maintain yung gusto nyo? Katatapos lang ng pasko at bagong taon, hindi ba pwedeng bakasyon din ang pagdiet,” tweet ng aktres.


Ito naman ang sumunod na pahayag ng aktres matapos ulanin ng mapanghusgang komento ang kaniyang viral post:


“It is depre$$ing! Everyone’s trying their best tapos all these people do is look for the negative side! Why not help them boost their confidence? Spread positive vibes. Masarap mabuhay ng ganun. (heart emoji) all love. No ha+es.” Dagdag pa ni Ella Cruz.






error: Content is protected !!