“Decade Challenge” entry ni JC Intal para sa kaniyang misis na si Bianca Gonzales labis na nagpakilig sa maraming netizens!



Talaga namang marami ang kinilig sa social media post na ito ng basketball star na si JC Intal para sa kaniyang minamahal na misis na si Bianca Gonzales. Ibinahagi ni JC ang kaniyang entry para sa popular ngayon na “Decade Challenge” sa social media. Pinamagatan niya itong “Isang dekada with Bianca” kung saan nilakipan niya rin ito ng ilang mga larawan nila ng misis mula nang sila ay magkasintahan pa lamang hanggang sa sila ay nagkaroon na ng sarili nilang pamilya.



Marami ang kinilig at natuwa sa naging pahayag ni JC para sa misis na nagsasabi kung gaano niya ito kamahal at sana daw ay mabawasan na rin ang pagsusungit ng kaniyang misis. Narito ang kaniyang naging pahayag:
“Isang dekada with Bianca. Wala na akong hihilingin pa. Mahal na mahal kita, sobra. Sana sa bagong dekada bawas bawasan mo kasungitan mo,” pahayag ni JC.


Matatandaan na taong 2014 nang ikasal ang dalawa at talaga namang kinakiligan ng marami ang palitan nila ng kanilang mga pangako sa isa’t-isa. Narito ang naging palitan nila ng “wedding vows”.

“Bianca, I’m very grateful to be marrying the woman I have prayed and longed for. I know that this is a once-in-a-lifetime opportunity and I vow to love and serve you with all my heart,” sambit ni JC.
“I knew you were the one for me when I felt your love. You love me in a way I have always wanted to be loved,” sabi naman ni Bianca sa kanyang mister.


Tunay nga na hindi kailanman naging madali ang pagiging mag-asawa ngunit mas nagiging masaya at kapana-panabik ang isang pagsasama lalo na kung mayroong tunay na pagmamahalan sa isang sambahayan. Kung kaya naman nagsilbing inspirasyon ang celebrity couple na ito sa kanilang wagas, matatag at hindi natitinag nilang wagas na pagmamahalan at malasakit para sa isa’t-isa.