Lolit Solis nagkomento patungkol sa hindi halatang “age gap” ng celebrity couple na sina Hayden Kho at Vicki Belo!



Hindi na lingid sa kaalaman ng maraming mga Pilipino ang iba’t-ibang uri ng relasyon na mayroon tayo dito sa bansa. Maaaring isang Pinay o Pinoy na mayroong karelasyon o asawang dayuhan.

Photo credit: dochayden instagram

Mayroon din namang mga magkarelasyon na ang babae ay mas bata ng sampung taon o higit pa sa kaniyang nobyo o mister habang mayroon din namang ilang pagkakataon na ang mister mismo o nobyo ang mas bata. Marahil sa industriya ng show business, masasabang May-December romance ang mag-asawang sina Hayden Kho at Vicki Belo.

Kapwa sila mga doktor at talaga namang kilalang-kilala si Dra. Vicki Belo dahil siya ang doktor ng maraming mga artista sa industriya ng show business sa ating Pilipinas. Nito lamang Enero 25, 2021 ay nagdiwang ng kaniyang ika-65 taong kaarawan si Dra. Vicki.



Photo credit: dochayden instagram


Marami ang bumati sa celebrity doctor para sa kaniyang kaarawan at isa na nga rito si Lolit Solis na nagpahayag ng kaniyang paghanga sa doktora dahil kahit pa nga nasa 65 na ang kaniyang edad ay hindi pa rin ito mukhang matanda tulad ng ibang mga taong katulad niya ng edad. Kahit pa nga 25 taon ang agwat ng edad nina Dra. Vicki at mister niyang si Dr. Hayden ay talaga namang aakalain mong magkaedad lamang sila.

Photo credit: dochayden instagram

Dagdag pa ni Lolit ay nagawang mapanatili ng doktora ang kaniyang pangangatawan at ang angkin niyang kagandahan kung kaya naman mas marami pa nga ang nagtitiwala sa kaniya bilang isang doktor. Marahil isa sa mga dahilan ay ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang asawa at anak na si Scarlet.

Photo credit: dochayden instagram

Pulos magagandang katangian ang ibinahagi ni Lolit patungkol sa doktora at maliban sa pagiging bata niyang tingnan ay mayroon din diumano itong magandang kalooban na siyang mas nakakabilib kahit pa nga isa siya sa mayayamang tao sa bansa. Tunay nga na kung masaya at kuntento ka sa iyong buhay ay lalabas talaga at makikita ito ng mga taong nakapaligid sa iyo.




error: Content is protected !!