Pamilya, tahanan, at simpleng buhay ngayon nu Andi Eigenmann hinangaan ng maraming mga netizens!



Ang pamilya ni Andi Eigenmann ay masayang nagdiwang ng kanilang Pasko at Bagong Taon sa kanilang tahanan sa Siargao. Sadyang mahal na mahal ng buong pamilya at maging si Andi mismo ang buhay nila malapit sa dagat, nagbahagi nga din ito ng ilang mga magagandang larawan at alaala nila ng kaniyang pamilya sa kauna-unahan niyang vlog. Sa wakas ay masisilayan na rin ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang kaniyang simple ngunit napakasayang pamumuhay sa Siargao kasama ang kaniyang masayang pamilya dahil sa ngayon ay mayroon na din siyang sarili niyang YouTube channel.



Sinimulan niya ang kauna-unahan niyang vlog kasama ang kaniyang pitong taong gulang panganay na anak na si Ellie, ang kaniyang limang buwang gulang na sanggol na si baby Lilo at ang kaniyang nobyo na si Philmar. Makalipas nito ay nagbahagi si Andi ng larawan ng kaniyang nobyo kasama ang kanilang anak na si Baby Lilo.


kasama ang iba nilang mga dayuhang kaibigan habang sila ay nagpapaaraw. Malayo man sa nakalakihang buhay sa siyudad ay bakas sa mga mata ni Andi ang labis na kagalakan kahit pa nga sa simpleng pagsakay lamang nila sa isang tricycle kasama si Baby Lilo.



At sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi din siya ng ilang mga pasilip sa ginagawa nilang 2-storey dream house. Naging napakaganda naman ng kaniyang social media post para sa nagdaang Bagong Taon kalakip ang larawan nilang pamilya na nasa dalampasigan.


Umani naman ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko na katulad ni Andi ay masayang masaya din para sa kaniyang lumalaking pamilya. Tunay nga na ang pagkakaroon ng isang buo at masayang pamilya ay hindi matutumbas ng kahit ano mang karangyaan o kasikatan. Ang pagkakaroon ng isang simple ngunit masaya at kontentong pamilya ay talaga namang isa sa pinakamagandang biyaya mula sa Diyos kung kaya naman dapat lamang itong ingatan at pahalagahan.




error: Content is protected !!