Antoinette Taus at Dingdong Dantes muling nagkita at nagkasama sa isang TV show makalipas ang mahabang panahon!



Marahil ay marami sa atin ang labis na nalulungkot lalo na kung mababalitaan natin na ang paborito nating tambalan o loveteam sa showbiz o sa tunay na buhay ay piniling magkahiwalay na. Marami sa ating mga Pilipino ang humahanga sa ilan sa mga kilalang tambalan sa industriya ng show business.



Talaga namang nakakakilig ang mga tambalang nagsimula lamang bilang magkatrabaho, naging magkaibigan, nagkamabutihan at naging magkasintahan. Ngunit sa mga hindi inaasahang pagkakataon at mapaglarong tadhana ay hindi rin sila ang nagkakatuluyan. Tulad na lamang ng dating sikat na tambalan ng aktor na si Dingdong Dantes at Antoinette Taus.


Maaalalang naging popular ang kanilang tambalan sa ilang mga pelikula at programa sa telebisyon ngunit ang mas nakapagpakilig sa marami ay ang pagiging magkasintahan nila noon. Taong 1996 nang mapabalitang nagde-date ang dalawa ngunit makalipas ang siyam na buwan ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon at makalipas ang ilang buwan ay napabalita namang nililigawan ng aktor ang mang-aawit at “It’s Showtime” host na si Karylle.


Ngunit sa kabila nito ay kinakikiligan pa rin ang muling pagkikita at pagtatagpo ni Antoinette o kilala rin bilang Toni at ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Naging guest ang aktres na si Antoinette sa programa ni Dingdong na “Amazing Earth”. Dito ay itinampok ang mga adbokasiya ni Toni para sa pagtulong at pagsasalba sa Inang Kalikasan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa. Ang kanilang organisasyon ay tinawag nilang CORA, bilang pag-alaala sa mahal niyang ina at sa pagpapatuloy ng wagas nitong pagmamahal hindi lamang sa kanilang pamilya kundi maging sa kanilang kapwa-tao.

Sa ngayon ay masayang masaya na si Dingdong sa piling ng kaniyang lumalaking pamilya. Mayroon siyang napakaganda at napakahusay na misis na walang iba kundi ang Primetime Queen ng GMA network na si Marian Rivera at biniyayaan sila ng napakaganda at napakagwapong anak na sina Zia at Ziggy. Gayundin naman si Antoinette Taus na nagpahayag na nasa mabuti at maayos naman silang estado ng dating nobyo na si Dingdong.





error: Content is protected !!