Enrique Gil kay Liza Soberano: “You are an angel here on Earth.”



Ang “LizQuen” o ang tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano ay isa sa mga pinakahinahangaang tambalan sa industriya ng show business sa ngayon. Labis silang hinahangaan ng publiko dahil sa natatangi nilang pagganap sa ilan sa kanilang mga matagumpay na pelikula at programa sa telebisyon. Bukod sa mahusay nilang pagganap sa kanilang mga karakter ay talaga namang minamahal sila ng publiko dahil sa pagiging totoo ng kanilang personalidad, pagiging propesyonal, at dahil sa mabuti nilang puso.

Kamakailan nga lamang ay muli na namang pinakilig ng tambalang Enrique at Liza ang publiko dahil sa message ni Enrique sa kaniyang kasintahang si Liza. Sa social media post ng aktor ay ipinahayag nito ang kaniyang damdamin sa kaniyang minamahal para sa kaarawan nito. Talaga namang umani ng sari-saring komento mula sa publiko lalo na sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Ang LizQuen ay magkasamang nagdiwang ng Pasko, Bagong Taon at maging ng kaarawan ni Liza sa Amerika.



Inilarawan ng aktor ang kaniyang nobya bilang isang anghel dahil sa kaligayan na naidudulot nito sa maraming mga tao lalo na sa kaniyang mga mahal sa buhay. Narito ang kaniyang naging pahayag:
“Happy birthday my love… You truly are an angel here on earth. You just give so much, so much happiness and love and just I hope that me and the world can somehow give all of that love back to you,” saad ni Enrique sa kanyang post.

“You’re not just drop d3ad gorgeous babe you’re the most beautiful human being I’ve ever met. Sometimes it’s just too good to be true. So don’t wake me from this daydream and just keep on smiling, stay happy enjoy life and be as buang as you are haha I love you so much!” dagdag pa niya.



Ang post ni Enrique ay umabot na sa higit 300,000 na mga likes habang sinusulat ang artikulong ito. Sinagot naman ito ni Liza ng matamis na “I love you”. Sa ngayon ay inaabangan na ng lahat ang kanilang nalalapit na bagong proyekto, ang “Make It With You”.



error: Content is protected !!