Willie Revillame nakabingwit na ng magandang Wowowin audience bilang ka-date sa 2020!



Si Willie Revillame o mas kilala ng publiko bilang si Wilfredo Buendia Revillame ay 58 taong gulang na television host, mang-aawit, songwriter, negosyante, aktor, at komedyante. Labis siyang hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang natamong tagumpay mula sa pagiging isang barker ng dyip na kumikita lamang ng barya noon ay naging isa na niyang matagumpay na komedyante na nagmamay-ari ng ilang mga ari-arian, negosyo, mga mamahaling sasakyan at mansyon sa loob at labas ng bansa.



Ngunit sabi nga ng mga nakatatanda, tila hindi ibinibigay ng tadhana ang lahat ng bagay sa iisang tao. Dahil sa kabila ng natamo niyang kasikatan o katanyagan sa kaniyang karera, sa limpak limpak na salaping pinaghirapan at naipon niya mula sa kaniyang pagsusumikap sa buhay, ay patuloy at patuloy pa rin siyang naghihintay ng taong makakasama niya nang panghabang-buhay.


Nagkaroon nga siya ng isang segment sa programa niyang “Wowowin” sa GMA network na mayroong pamagat na “Wil You Date Me?” kung saan nagtatampok ito ng mga kababaihang maaaring maka-date ng batikang host. Bagamat sa ngayon ay aminado siyang tumatanda na rin siya at tunay nga na nangangarap din siyang magkaroon ng taong magmamahal, susuporta, mag-aasikaso sa kaniya, at makakasama niya sa buhay ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asang darating din ang tamang araw at ang tamang panahon na magtatagpo din ang kanilang mga landas.


Kamakailan nga lamang ay kinakiligan si Kuya Wil kasama ang isang magandang babae na namataan niyang nanunuod sa kaniyang programa. Ang kaniyang pangalan ay Carmela at talaga namang kapansin-pansin ang angkin niyang kagandahan at ang balingkinitan niyang pangangatawan. Nagkausap sila ng batikang host at talaga namang naghalo ang kilig at ang katuwaan nang silang dalawa ay nagkadaupang-palad na. Natatawang biro pa nga ni Kuya Wil ay tila mas matanda yata sa kaniya ang babaeng kaniyang nakilala dahil sa 23-anyos na ito habang siya naman ay malapit nang mag-59 sa ika-27 araw ng Enero.


Marami ang kinilig at natuwa sa palitan nila ng matatamis na mga salita at malalagkit nilang pagtitinginan. May “chemistry” kung ilalarawan ng iba. Bago magtapos ang nasabing segment ay pinasalamatan ni Kuya Wil si Carmela dahil sa talaga namang naging magiliw at “good sport” ito sa kaniya. Nagbigay din naman ito ng P5,000 para sa ina ni Carmela at ilang mga regalo mula sa sponsors ng sikat na programang “Wowowin”.






error: Content is protected !!